Actions

Work Header

together forever (i want you the rest of my life)

Summary:

‘Pag ba nag-iisip si Mingyu, naka- uppercase din ang bawat salita?

Notes:

happy birthday, my superstar mingyu ⭐️

hehe mini update sa aking mga favorite loklok users! afford na kaya ng ating soulmates na mag-subscribe sa netflix?

thank you po for giving them so much love 🥹😭hindi ako makareply sa mga comments kasi emotional pa rin ako sa tuwing nakakareceive ng notif sa gmail na maraming naenjoy ang adventures nila kaya wala akong nafoform na thoughts to reply. pero nababasa ko po at naaappreciate at naluluha ako every time (CHAR HOHEY).

title from Jolina Magdangal's Together Forever~ hehe

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Play Love Moves in Mysterious Ways cover by Nina

Noong tumama sa Pilipinas ang epidemya ng pagka-jejemon, malamang naglalakad si Mingyu sa kalsada nang walang payong, malamang din ay nakayapak siyang nagtatampisaw sa gitna ng ulan. Hindi na niya matandaan kung kelan eksakto ang araw na nag-debut siya bilang nanay typings texter, basta nung nakita niya ang cute na stylized text message ng kaibigan niyang si Jisoo isang gabi, inadapt niya na iyong ganoong paraan ng pagta-type.

Jisoo

gOOdeVe pEEpZ .~

ang ANGEL daw palaging nasa tabi mo lang.. di ka iwan hanggang sa huli.. kaya lng tga-heaven lang daw cla.. huh, pano nangyari un?!

e taga- bLumentritt kaya aQ!

@jEonghan— thx sA LoAd @eUnbi — thx pLa sa kAgabi

text tayO?

xoxo

LiL_Jisoo

#GM

Kumunot ang noo ni Mingyu.

Mingyu

Anong sabi mo? wrong sent k ata

Di 2 c jeonghan.

Txtback.

 

Nang maipaliwanag sa kanya ni Jisoo kinabukasan kung anong ibig sabihin ng text na ‘yon, kung ano ang GM, at kung bakit siya ganoon mag-type, sinubukan na rin ni Mingyu ang ganoong typings. Medyo mahirap sa kanya ‘yung regular at standard jeje typings dahil matigas ang keypad niya, kaya nag-isip siya ng sariling style. So he came up with his Uppercase every word style.

Para kay Mingyu, typings niya ang nagdadala sa personality niya kapag kausap mo siya sa text. Kumbaga trademark niya na ‘yon sa mga ka-GM niya. Proud pa siya sa fact na hindi galing sa search ang mga quotes na sinesend niya noon, madalas siya lang ang nakakaisip. Sa sobrang iconic nito sa kanyang mga ka-GM kahit wala nang sign-off ang message niya, alam na nilang si Xutil Na YhŪbz MInGyü na ‘yon.

Simula noong de-tupi pa ang kanyang cellphone na naging pink na Galaxy Champ noong hayskul, at hanggang sa kasalukuyan niyang iPhone Pro Max, Hindi Na Napakawalan Ni Mingyu Ang Ganitong Typings.

And Mingyu… Ah, Mingyu Kim’s life was so interesting even when he was a kid. Sinong mag-aakala na ang Uppercase master ng mga GM ay mapipiling pambato ng school niya sa division level bilang copyreader?! And he excels even in that part, too.

Mingyu, for the most part, was simple-minded. Baka dahil journalism-trained since elementary kaya nagagawa niyang digestible ang mga komplikadong bagay. So he kind of easily understood the rules of finding your soulmate. He also immediately understood that not every pair is mandated by heaven, just like his parents.

But he was too busy exploring every single hobby out there to even treat Find Your Soulmate as a mission. Aside from the basics, mabilis ding naintindihan ni Mingyu that it won’t be solely his task to find his soulmate. Fate can handle that, busy siyang matuto paano magskateboard at mag-gitara.

Pero nang makilala niya si Wonwoo, parang naramdaman niya ‘yung desperation na madalas sa ibang tao niya lang nakikita. That grit and extreme feeling to keep someone at ang pakiramdam na maging sabik na baka… baka siya ang itinadhana para sa kanya. O kung hindi man, ayos lang dahil ipipilit niya.

And the matching lyrics are their lifetime proof that their fates are tied together neatly, they are the Destined Pair. But are being soulmates equate to being someone you’re willing to spend the rest of your lives with?

“Beybi Lab, good morning,” bati niya kay Wonwoo, medyo tulala pa dahil bagong gising.

May ilang taon na rin silang nasa isang bubong kasama ang dalawang alagang sina Jopay at Bujoy. Nagsimula silang mag-live in nang makagraduate si Wonwoo sa kolehiyo habang si Mingyu naman ay nasa kanyang huling taon sa undergraduate program niya noon.

Wonwoo was the one who asked Mingyu to move in with him and the idea of waking up next to your soulmate, sorting laundry with your soulmate, and figuring out life with your soulmate sounded so good in Mingyu’s ears that he immediately said yes.

Nang malayo si Jopay sa kapitbahay nila Wonwoo na palaging nag-aaway, na-unlearn niya na ang mga insultong bukambibig niya. Pero dahil maingay na pusa si Bujoy at palaging ngumingiyaw sa kanilang dalawa, ito naman ang kinokopyang tunog ng parrot. Minsan nagcocontest pa talaga ang dalawang pasaway na alaga nina Mingyu at Wonwoo kung sino ang may pinakamahabang ‘meow’. Madalas manalo si Jopay, of course. Dahil ika nga ni Wonwoo, batak maging insufferable ang bwisit niyang parrot.

Pero pakiramdam ni Mingyu, kahit ganito ang sitwasyon nila sa bahay, kaya pa nilang mag-ampon ng maliit na kambing, otter, baka, aso, biik, unggoy, tiger, squirrel, rabbit, at marami pang hayop, na madalas niyang napapanood sa Facebook Reels, ngunit pinigilan na agad ni Wonwoo ang Disney Princess fantasy niya.

Nang hindi pa rin siya kinibo ni Wonwoo ay sumiksik na si Mingyu sa nobyo na mabilis namang gumana sa clingy na si Wonwoo dahil niyapos agad ng nakakatanda ang bewang nito bago pinatakan ng halik ang kanyang pisngi.

“Good morning, baby, ang aga mo naman gumising,” ngiti ni Wonwoo. Ibinalik ni Mingyu ang halik bago sumagot.

“Nanaginip ako, lab, si Santa Claus daw, hindi na reindeer ang gamit pag naghahatid ng gifts,” Mingyu scrunched his nose, nagpapa-cute kay Wonwoo.

Wonwoo’s hand on his waist wandered on his back, his hips, his butt.

“Yeah? Ano na raw ang gamit ni Santa?” He asked, squeezing Mingyu’s buttcheek.

“Haha, naka-ebike na siya, lab.” Mingyu smiled so sincerely, remembering the picture of Santa Claus na naka-tuktuk sa panaginip niya. Ang galing talaga ni Mingyu, siya lang ang nakaisip niyan.

Humalakhak si Wonwoo nang malakas, at bahagyang tumahimik, iniisip din siguro kung anong magiging itsura ni Santa kung naka e-bike nga siya.

“Kaya ba ng e-bike lumipad, baby?” tanong niya kay Mingyu, hand caressing the former’s back. Nagkibit balikat si Mingyu bago humalik sa nunal ni Wonwoo sa bandang gilid ng mata, bago sumiksik sa leeg ni Wonwoo.

“Baka, lab. Hindi ‘yon kasama sa scope ng panaginip ko, pero kung kaya ng reindeer, bakit hindi kaya ng Tuktuk?” sagot nito, habang nagtatago ang mukha sa leeg ni Wonwoo.

Wonwoo deliciously chuckled on his ear, nakiliti pa ng bahagya si Mingyu.

“You’re right.”

Ilang minuto pang nilambing ni Mingyu si Wonwoo bago sila tumayo. First day ni Mingyu sa trabaho ngayong araw kaya hindi siya pwedeng malate. Habang si Wonwoo naman ay mas flexible ang oras dahil mamaya pang tanghali ang meeting nila para sa isang project.

“Anong gusto mong baon, baby?” Tanong ni Wonwoo habang abala si Mingyu sa pag-checheck ng gamit niya sa bag.

“Hmm, sandwich…” sagot naman niya. Mabilis namang binuklat ni Wonwoo ang handmade cookbook nilang dalawa na puno ng mga recipe ni Mingyu, ng mama ni Mingyu, at ng Mama niya. Ginawa nila itong dalawa dahil gustong matuto ni Wonwoo magluto. (Proof ni Wonwoo na masipag talaga siya sa gawaing bahay OHA)

Kapag busy si Mingyu sa dati niyang trabaho kaya pa rin nilang kumain ng disenteng pagkain lalo at hindi mahilig si Mingyu sa fastfood. Pero gusto ni Wonwoo na ipagluto si Mingyu, gusto niyang iparamdam din sa nobyo kung anong comfort ang kayang ibigay ng lutong bahay na luto ng pinakamamahal mo. Naks! Parang mag-asawa na sila niyan?!

Pinlantsa na ni Wonwoo ang uniform ni Mingyu kagabi kaya mas maraming oras ang dalawa para mag-ngitian at mag-footsies habang nag-aalmusal.

“Sunduin kita,” aya ni Wonwoo. Tumango naman si Mingyu sa suhestyon bago sinubuan si Wonwoo ng piraso ng tocino.

“Okay po, mag-text ako sa’yo, Lab.”

“Dami mo talagang load palagi, baby.” Inirapan niya si Wonwoo.

Nakabatay ang kalagayan ng ekonomiya ng isang jejemon sa kung mayroon siyang pang-unli text o wala. Noong hayskul si Mingyu, may mga linggo na hindi talaga siya nakakapag-GM dahil kapos sa load. Kahit Sun pa ang sim niya noon, hindi talaga kaya ng budget iyong palaging may pantext. Kung kelan naman siya may pang-unli text, doon naman na hindi nauso ang GM. Pero minsan kapag sinisipag siya at feeling inspired, sinesendan niya pa rin ng GM ang mga kaibigan, magulang, at si Wonwoo. Hindi na nga lang niya ginagamit ang kanyang jejename na Xutil Na YhŪbz MInGyü. Madalas, sa messenger siya nagsesend to many ng mga quotes.

This new job is actually Mingyu’s second job. Umalis siya sa una niyang work dahil malayo and he feels undervalued. He was hesitant to leave but Wonwoo kissed him through it and assured him it’s going to be alright.

“I’d love to provide for us in the meantime,” ani Wonwoo sa kanya noon. Wonwoo was nothing but supportive in his choices. He didn’t let Mingyu linger alone in his thoughts.

Madali lang ang first day niya sa trabaho. He listened, took notes, and learned new things. Mingyu was so grateful the entire time.

Agad niyang nakasundo ang kanyang teammates na agad siyang sinama sa kanilang lunch. He was excited to answer all their questions, minsan tungkol sa kanyang dating work, minsan sa mga hobby niya. Hindi pa sila umaabot sa mga personal na tanong and Mingyu liked it. Masaya siya sa slow and yet warm introduction.

Sa dati niyang work kasi, the workload burnt him out, pati mga teammates at manager niya nakakadagdag sa bigat ng pakiramdam at trabaho, kaya at some point, kahit pag-uwi niya ay ‘di na siya makangiti, he was grumpy and always grumbling, too. Wonwoo, who was ever patient yet worried, understood him in the best possible way. ‘Di niya basta inabsorb ang frequent mood changes ni Mingyu, but rather helped him calm down, figured out the root cause of it all, and supported his choices eventually.

Na-miss niya tuloy agad si Wonwoo kaya habang nagtetake down notes sa orientation niya, nagawa niya pang i-doodle si Wonwoo, Jopay, at Bujoy sa kanyang notebook. Nagsend lang sa kanya si Wonwoo ng masarap (ito yung description niya sa isip niya, please) na picture noong lunch, parang nabusog na agad si Mingyu.

Habang kumakain pa nga ay namula pa siya when he remembered their past bedtime activities (yes past bedtime, matutulog na lang sila ang likot pa ng kamay ni Mingyu) last night, how Wonwoo pressed himself hard against him, habang kinakagat-kagat pa ang leeg nito. He remembered how Wonwoo slowly pulled his pyjama, gripping his hips tightly, then kneading his inner thighs, both of them moaning and groaning when Wonwoo pal—

ERASE ERASE!!! Talagang habang nagtatanghalian pa niya naisip ang lambingan nila ni Wonwoo kagabi, parang hindi pa sapat ang sarap ng kanyang chicken nanban para maisip niya pa kung gaano kasarap ang bayo ni Wonwoo.

bujing Papa

Lav Sundo Mü N Me Po

Mizz U :[

Gs2 Qna Mwamwa Mu :’(

Okay po, wait for me.

I miss you, too.

 

When Wonwoo fetched him after work, akala niya ay didiretso sila pauwi ngunit dinala siya nito sa kanilang favorite date spot.

“I want to celebrate this day,” Wonwoo confessed when he opened the door for Mingyu.

Habang nagkukwento si Mingyu sa kanyang bagong trabaho, busy naman si Wonwoo na magpiga ng calamansi sa kanilang toyomansi, nakikinig pa rin kay Mingyu.

Kapag namimiss nilang dalawa ang siomai ng Mama ni Wonwoo at wala pa silang stock ng padala nito, dito sila madalas pumapakyaw ng mga dimsum.

Somehow, noong nagsimula silang tumira sa iisang bubong, naging comfort food nila ang siomai. Noong nag-aaral pa si Mingyu, madalas nadadatnan siya ni Wonwoo na umiiyak habang kumakain ng siomai. Tapos yayakapin lang siya ni Wonwoo at sasaluhan sa pagkain, tapos kaya na ni Mingyu ang kahit anong pagsubok sa kolehiyo.

“Nagulat sila nung nalaman nilang fan ako ni Jolina, lab. Kinwento ko pa sa kanila paano ko umiyak dati no’ng nalaman kong nagkareunion movie sila.” Kwento niya kay Wonwoo. Wonwoo smiled fondly, naaalala siguro kung paano sila nagdate no’n gamit ang tickets na bigay ni Jihoon. Mingyu, that time, even squealed no’ng malaman niyang may talkback session pala iyong ticket ni Jihoon at nanginginig pa siya noong nabigyan siya ng chance para magtanong kina Marvin at Jolina.

Sa kanilang living room, naka-display ang mga picture nina Wonwoo at Mingyu throughout the years, at sa gitna ng mga larawan na ‘yon nakadisplay rin ang malaki at framed na selfie nina Mingyu at Jolina. #SuccessfulFan.

Habang tuloy-tuloy sa pagkukwento si Mingyu, hindi niya pa rin nakalimutang sandukan ng yang chow fried rice si Wonwoo.

“Ang saya, lab. Alam ko sobrang aga pa kasi first day ko pa lang pero hindi ko ‘to naramdaman doon sa una kong trabaho, eh.” Wala kasing naging close si Mingyu sa dati niyang workplace, they were always harsh towards him, at laging binibilang ang small mistakes ng ating bidang jejemon.

“Kamusta naman lab yung workplace? Maayos ka ba naorient ng basics?”

“Uu.” sagot ni Mingyu, mahaba ang nguso. “Excited na nga ‘ko magtraining, parang marami akong matututunan sa manager ko pati mga teammates!” Ngumuya saglit si Mingyu.

“Ikaw, how’s your day, my beybi lab?” Wonwoo portioned his food first before answering.

“Ayos naman, medyo nahuhuli lang kami sa calendar pero nahabol naman namin kanina.”

“Kuhain mo ‘kong extra minsan, lab, please.” Natawa naman si Wonwoo.

“Baka mapansin ka pa ni Direk, papasikatin ka no’n, magkaka-project ka na teleserye tapos sisikat ka, magiging regular ka sa ASAP, tapos magiging bida ka sa isang big movie, tapos mananalo kang best actor, tapos magiging big star ka, lab, ang dami kong kaagaw ‘pag nangyari ‘yun.” Humagalpak si Mingyu nang malakas, napatingin pa sa kanya yung customer din na kumakain sa kabilang mesa.

“Ay sorry po,” he muttered before turning to Wonwoo, “Ang OA mo, lab! Ang layu na agad ng narating ng imagination mo, baka nga kalahati lang ‘yung mukha ko na makita o kaya baka nakatalikod pa ‘ko!” natatawa niyang sabi. Natawa na rin si Wonwoo.

“Lakas pa naman ng star factor mo, baby.”

“Wow! Baka ikaw, lab. Mukha mo pa lang, pangbida na sa mga romcom movies, eh. Parang ikaw yung type ng artista na ilalagay sa loveteam.”

“Oo ta’s ikaw ‘yung ka-loveteam ko, mas sisikat pa tayo sa Aldub, gagawan tayo ng maraming edit sa TikTok yung mga ‘aww the way he looks at him’ type of edits, tapos magkakaroon tayo ng sariling fanmeet, tapos ayaw tayo paaminin ng manager natin na magjowa talaga tayo…”

Mingyu nodded, “Oo, para raw may thrill sa fans, pa-tweetums lang tayu sa camera!”

“Ang hindi nila alam naglalapla—“ Mabilis tinakpan ni Mingyu ang bibig ni Wonwoo.

“Ops! Tama na, hanggang diyan ka na lang,” ani Mingyu, natatawa. Tumawa rin si Wonwoo habang tumatango. Nang bawiin ni Mingyu ang kamay, ang sabi lang ni Wonwoo:

“Sige, baby, tutuparin natin someday ‘yang wish mong maging extra sa movie.”

Bago pa umuwi, naglakad-lakad pa ang dalawa, HHWW pa sila habang pakanta-kanta si Wonwoo ng lyrics ng Love Moves in Mysterious Ways.

Nagkwento pa si Wonwoo tungkol sa mga nangyari sa meeting nila kanina. Muntik pa ngang humaba pero buti na lang at nagkasundo agad sila sa ilang revisions sa script.

Mingyu enjoyed listening, nagtatanong kay Wonwoo kapag hindi niya ma-gets ‘yung mga terms na ginagamit ni Wonwoo. Wonwoo patiently explained to him the terms one by one, gumagamit pa ng mga example.

˗ˏˋ ★ ˎˊ˗

“Baby, anong mas maganda?” tanong ni Wonwoo pag-uwi nila. Abala si Mingyu sa pagtahi ng paboritong laruan ni Bujoy habang ang alagang pusa ay nakatingin lang sa kanya, nag-aantay na ibigay ni Mingyu ang kanyang natastas (na naman) na laruan.

Iniangat ni Mingyu ang tingin kay Wonwoo, may hawak itong dalawang pantaas.

“San punta, lab?”

“Mayroon kaming conference na pupuntahan bukas. Tipon ng mga filmmakers at writers.”

“Wow…” manghang sambit ni Mingyu ngunit inutusan din si Wonwoo na isukat ang parehong dress shirt para makapili siya nang maayos.

“Ito, baby.” Umikot pa si Wonwoo para ipakita kay Mingyu ang buong look.

“Hmmm, pogi.” tango ni Mingyu, hawak pa rin ang tinatahing laruan ni Bujoy. “Tingin nung isa pa.”

Sumunod naman si Wonwoo at hinubad ang naunang pantaas.

“Baby, ito, kaso may butas kaunti sa kili-kili,” inangat ni Wonwoo ang kanyang kaliwang braso para ipakita kay Mingyu ang maliit na butas.

Tumawa si Mingyu.

“Mas pretty ‘yan, hubarin mo na lang, lab at tatahiin ko pagkatapos nitong laruan ni Bujing.” Walang salitang sumunod si Wonwoo sa kanya. Wonwoo placed the second shirt beside Mingyu and sat beside him, shirtless, habang nakatingin sa laruan ni Bujoy na patapos nang ayusin ni Mingyu.

Natawa si Mingyu sa itsura ng kanyang mag-ama na parehong nakatanghod lang sa kanya. It’s like he had two cats who were patiently waiting for him.

He scratched Wonwoo’s chin, giggling at how cute Wonwoo looked.

“So cute, my muning.” Wonwoo patiently waited for Mingyu to finish tidying up their cat's stuffed toy. Paminsan minsan ay hinahaplos niya si Bujoy ngunit hindi siya pinapansin nito. 

"Baby, parang nag-aalala si Bujing sa laruan niya." Sumulyap naman si Mingyu sa dalawa. Karga na ni Wonwoo si Bujoy habang pinanggigilan ang pisngi ng pusa. Wala namang pakialam si Bujoy sa kanya at diretso pa rin ang tingin sa kanyang laruan. Parang hindi na kumukurap, eh. 

"Wait lang, Bujing, malapit na po ako matapos." Nahagip pa ng mata niya na inamoy-amoy pa ni Wonwoo ang ulo ni Bujoy. Kung hindi si Mingyu ang pinanggigilan ni Wonwoo, si Bujoy naman o kaya si Jopay. 

"Your toy is going to be alright, baby Bujing. Your papa is a good surgeon." He heard Wonwoo reassured their cat. 

Nang matapos na si Mingyu sa laruan ni Bujoy, ibinigay niya ito agad sa kanya. Mabilis namang kumawala ang pusa sa yakap ni Wonwoo bago umalis sa harap nila nang makuha na ang inaantay. Wonwoo, on the other hand, scooched closer to Mingyu, embracing him as the latter began working on his shirt.

Wonwoo began kissing him on the cheek, then on his ear, then on his neck.

“Ipasok mo nga ang sinulid sa karayom, lab.” Utos ni Mingyu.

“Baby naman, naglalambing ako, eh.” Sumimangot si Wonwoo.

“‘Di naman kita pinipigilan, ito naman. Mamaya mo na ako papakin, ipasok mo muna ‘to.” Binitawan ni Wonwoo si Mingyu at ginawa ng inuutos nito.

“I love you, Lab,” bigkas ni Mingyu habang pinapanood si Wonwoo na magpokus sa pagpasok ng sinulid sa karayom. The latter’s serious face immediately broke into a wide smile, getting distracted.

“I love you, too, baby. Pagkatapos mong tahiin ‘tong damit ko, i-kiss mo na ako nang marami.”

Habang nagtatahi, dinadaldal lang ni Wonwoo si Mingyu, karamihan ng kwento niya ay mga naiisip na plot sa bagong script na ginagawa nito. Wonwoo liked sharing his creative outputs with Mingyu, lalo 'yung mga nasa isip niya pa lang dahil madalas, nakakatulong si Mingyu dahil malawak din ang imagination niya. 

Sinunggaban agad ni Wonwoo si Mingyu nang matapos niyang tahiin ang kanyang damit. Mingyu sighs into his kiss, melting.

Kinuha ni Wonwoo ang kanyang bagong tahing damit mula sa kamay ni Mingyu bago ito itinabi sa gilid nila, he did all of this while not breaking their kiss.

Wonwoo was caressing his wrist, where their identifying marks lay, bold and bright as the first time it etched on their skin.

“I love you,” bulong ni Wonwoo. Mingyu’s response was only a moan when Wonwoo bit his neck.

“Ipagpaplantsa kita ng uniform palagi, I love you.” Natawa si Mingyu sa deklarasyon ni Wonwoo pero nag-isip din siya kung anong isasagot.

“Lagi kitang ipagluluto ng masarap na pagkain.” Mingyu giggled, chasing Wonwoo’s mouth to kiss more.

Notes:

yehey minwon nasa isang bubong agenda forever!!

in conclusion: Hindi naka-auto uppercase ang thoughts ni Mingyu!!

also ‘di ko lang napakita yung updated contact name ni mingyu sa cfie ni wonwoo pero it’s ‘Jopay’s Papa’

:D

P.S mature rating ang nilagay ko kasi may implied mature scenes >_< si mingyu kase kung ano-anong iniisip sa lunch break?!

Series this work belongs to: