Actions

Work Header

downbadism

Summary:

A collection of Mingyu and his disgusting “downbadism” syndrome for his one and only pretty boyfriend, Wonwoo.

Notes:

a brainrot from, like, ages ago :)

have fun reading, loves.

Chapter 1: lover

Chapter Text

"Gyu, doon ka nga sa kabila. I can't focus on my readings," saway ni Wonwoo, pero walang kagatol-gatol na isinandal ni Mingyu ang likod niya sa dibdib ni Wonwoo.

"Dito lang ako, Love. Ang layo nung kabilang dulo, feeling ko mami-miss kita agad," Mingyu pouted, his eyes fixed on the TV pero ang isip ay nasa kung paano niya makukuha ang atensyon ni Wonwoo.

Maya-maya, naramdaman ni Wonwoo ang malalaking kamay ni Mingyu na gumagapang sa hita niya. Hindi bastos; it was just... needy—as usual. Mingyu started drawing random shapes on Wonwoo’s skin, his head tilting back para tumingala sa boyfriend niya.

"Love..." tawag ni Mingyu, nanlalambing na parang humihingi ng treats.

"Hmm?" Wonwoo replied, not looking away from his page.

"Kiss muna. Isang mabilis lang."

Wonwoo sighed, trying to look annoyed but failing miserably, because how could he when his boyfriend's just cute and clingy. Ibinaba niya ang libro at tumingin kay Mingyu. "Kakahalik mo lang sa akin five minutes ago nung kinuha mo 'yung remote."

"Kanina pa 'yung five minutes! Baka nag-bago na 'yung feelings mo sa akin," Mingyu’s bottom lip trembled. He was doing it again—the crybaby act. "Sige na, love. Kahit sa pisngi lang oh..."

Para matapos na ang tantrums ni Mingyu, yumuko si Wonwoo at hinalikan ng mabilis si Mingyu sa noo. Pero bago pa siya makalayo, mabilis na lumingon si Mingyu at hinuli ang labi niya para sa isang malalim na halik. 

Not again. Mahina pa naman siya sa mga halik ng boyfriend. 

"Mmgh—Gyu!" Wonwoo tried to pull back, his hands pressing against Mingyu’s broad shoulders to push him away. "Sabi mo... i-isa lang..."

Pero si Mingyu, parang uhaw na uhaw na tumitig sa kanya, hindi pinakawalan ang bewang ni Wonwoo. Mas lalo nitong hinigpitan ang yakap, effectively trapping Wonwoo against the  backrest of their blue sofa.

"Isa pa, love. Bitin, eh," ungol ni Mingyu sa pagitan ng mga halik niya.

"Mingyu, stop it! Magbabasa pa ako—a-ah!" nagulat si Wonwoo nang maramdaman ang dila ni Mingyu na dumaan sa ibabang labi niya. Wonwoo’s face immediately blushed from the action. "You’re being too much today! Kanina ka pa dikit nang dikit! Para kang aso!"

"I am your clingy puppy, love, always," Mingyu pouted, pero hindi pa rin tinatanggal ang braso sa bewang ni Wonwoo.

Five years na silang magkasama—from thesis days hanggang ngayon na stable na ang mga career nila—pero si Mingyu, parang hindi man lang nababawasan ang pagiging "down bad" niya. Mas lalo lang itong lumalala habang tumatagal. 

He’s naturally, almost biologically, clingy. Para siyang sunflower na laging nakaharap sa araw—at si Wonwoo ang araw niya. Hindi pwedeng magkatabi lang sila sa sofa; kailangan nakapatong ang binti niya kay Wonwoo o kaya naman nakasiksik ang mukha niya sa leeg nito habang nanonood. Kahit sa labas, hindi pwedeng maglalakad lang sa mall; kailangan nakasabit ang braso niya sa balikat ni Wonwoo o kaya naman ay nakakapit sa bewang nito.

Kahit nga habang nagluluto si Mingyu, kailangan may back-hug pa rin. He treats personal space as a suggestion and not something that should be set as boundary between the both of them. Para sa kanya, ang 1-inch distance mula kay Wonwoo ay sobrang layo na. He thrives on physical touch. Kapag hindi siya nakadikit kay Wonwoo, pakiramdam niya ay nade-drain siya agad.

And the truth is, despite the extreme clinginess, Wonwoo loved every bit of it. 

Sa kabila ng mga kunwariang reklamo at pag-irap niya, Wonwoo was secretly addicted to the weight of Mingyu’s big, muscular arms clinging onto him. Wonwoo loved how Mingyu’s large hands would always find a way to touch him, whether it was a thumb tracing his knuckles or a palm resting on his lower back.

It was his daily dose of validation—na kahit gaano pa kapagod ang araw niya sa harap ng mga research papers at pagtuturo, may isang higanteng naghihintay at handang maging unan, kumot, at anino niya anumag oras. There was a sense of security na siya lang ang nakakaramdam.

See, Mingyu was the kind of man who had everyone's eyes on him the moment he entered a room, charismatic and effortlessly attractive. Yet, that same man would gladly trade all the attention, all the flirting, and all the prestige just to sniff Wonwoo’s neck and whimper for a backrub.

Wonwoo lived for those moments when Mingyu would act so little, hiding his face in Wonwoo's chest as if the rest of the world didn't exist. He loved that he was the only person who could make this confident, highly-coveted man so vulnerable and needy. 

Pero dahil pagod si Wonwoo galing sa trabaho, mabilis uminit ang ulo niya. "Gyu, seryoso ako. I need my space. Kanina ka pa sunod nang sunod, pati sa banyo balak mo pa yatang pumasok. Nakakasakal na, okay?"

Biglang tumahimik ang paligid. Ang malapad na balikat ni Mingyu—yung balikat na laging sandalan ni Wonwoo tuwing pagod siya—ay unti-unting bumagsak. His golden glow vanished in a second. He slowly withdrew his hands from Wonwoo’s waist, looking like a puppy that had just been kicked out of his favorite hooman's bed.

"Nakakasakal na pala ako..." Mingyu whispered. "Sorry. Miss na miss lang kasi kita since late na ako nakauwi kagabi. Sige, hindi na ako mangungulit. I'll... I'll stay in the corner. Just call me when you need me."

Tumayo si Mingyu nang hindi tumitingin kay Wonwoo. Dumiretso siya sa kabilang dulo ng sofa at tumitig lang sa mga daliri niya. Sinadya niyang yakapin ang sarili niya, making himself look as small as a 186cm man could possibly be. Tahimik lang siya, pero rinig ni Wonwoo ang mabibigat at malalakas na buntong-hininga nito na halata namang sinasadya.

Wonwoo tried to go back to his book, pero bawat pag flip niya ng page sa librong binabasa ay parang ang bigat—he couldn't focus anymore. Not when he knew he was at the wrong. 

After only a couple of minutes of silence, narinig ni Wonwoo ang mahinang singhot. Isang hikbi na pilit pinipigilan. Lumingon siya at nakitang nakayuko si Mingyu, shoulders shaking, habang pinupunasan ang mga mata niya gamit ang malaki niyang palad.

"Gyu... are you crying?" Wonwoo asked, his heart instantly softening at the sight of his crying boyfriend. The space he thought he wanted felt empty and cold without Mingyu’s heat.

"Hindi," Mingyu lied. "Napuwing lang ako.”

"Naku naman, come here na nga," Wonwoo said softly, patting the spot right next to him.

"I’m sorry na, love. Nagkamali ako, okay? I didn't mean it. Pagod lang ako, and It's my fault for taking it out on you," Wonwoo whispered, pressing his forehead against Mingyu’s temple. "My clingy puppy... I missed you too."

Nang marinig iyon, hindi na nakapagpigil si Mingyu. Humarap siya kay Wonwoo, halata pa ang pamumula ng mga mata nito. Without a second of hesitation, he lunged forward and buried his face into Wonwoo’s neck, his huge frame practically engulfing Wonwoo on the sofa like a big fluffy bear hugging his baby.

"Sorry din..." Mingyu whimpered, his large hands clutching the back of Wonwoo’s shirt. "Nanlalambing lang talaga kasi ako."

Wonwoo let out a  giggle, wrapping his arms securely around Mingyu’s back. More than the touchy touchy, Wonwoo loved how expressive Mingyu was about his feelings. He was always an open book. Five years later, and he still wasn't afraid to show Wonwoo exactly how much he was hurting or how much he cared.

Umiiyak pa rin kapag hindi pinapansin ni Wonwoo pabalik lalo na kapag humihingi ng lambing. Cute.  

He loved that Mingyu wore his heart on his sleeve—na hindi siya kailangang manghula kung ano ang iniisip nito. Every sob, every giggle, and every needy whimper was a reminder of how much Mingyu trusted him. It made Wonwoo feel like the most important person in the world, knowing that this man, who could have anyone, chose to be this vulnerable only with him.

"Sige na, tahan na. I'm sorry. I really didn't mean it, okay? Love na love kaya kita," Wonwoo whispered, rubbing soothing circles on Mingyu’s back.

Mingyu pulled back slightly, his eyes still red but now sparkling a bit. "Promise? Kahit maging clingy ako habambuhay? Kahit hindi ka makapagbasa ng libro mo kasi nanlalambing ako?"

"Promise. Kahit maging clingier (if that's even a word) ka pa, I wouldn't mind at all," Wonwoo teased, kissing Mingyu’s cheek.

Since Wonwoo said he could be clingy, Mingyu decided to take it literally. He started tugging at the hem of Wonwoo’s oversized shirt eagerly.

"Then, cuddle time!" biglang sigaw ni Mingyu.

Bago pa man makapag-protesta si Wonwoo, Mingyu’s head disappeared under the fabric of his white shirt. Wonwoo yelped as he felt the warmth of Mingyu’s face pressing firmly against his stomach. Ang kawawang oversized t-shirt ni Wonwoo, halos mapunit na dahil sa pagpilit ng malaking katawan ni Mingyu na makapasok at magsumiksik sa loob.

"Gyu, naman! Ang laki-laki mong tao, masisira 'tong t-shirt ko!" Wonwoo laughed, his hands resting on the large lump now occupying his clothes. Mukha tuloy siyang buntis. 

"Don't care. Dito muna ako," Mingyu’s voice came out vibrating directly against Wonwoo’s chest dahilan para makilit ang huli. "You said I can be clingy, you don't have the right to kick me out of here."

Ramdam na ramdam ni Wonwoo 'yung mainit na hininga ni Mingyu sa ilalim ng damit niya—a sensation he had grown so accustomed to over the years.

This was Mingyu’s favorite habit—his ultimate coping mechanism whenever he was stressed, tired, or simply feeling too much love for Wonwoo. It didn't matter if they were in the middle of a serious conversation or just lounging around; if Mingyu felt the need to "cuddle," magsusuot at magsusuot siya sa loob ng damit ni Wonwoo kahit gaano pa kasikip. It was dark, warm, and smelled entirely like his favorite person. It was his way of shutting out the rest of the world and at the end of the day, he belonged right here. Totoo ngang nakakapawi ng pagod walang halong bola. 

Wonwoo ran his fingers over the bulge in his shirt, feeling the shape of Mingyu’s head habang lalo itong nagsusumiksik sa tiyan niya. He looked down at his ruined, stretched-out neckline and sighed, though his eyes and heart were full of nothing but fondness.

"Gyu, seryoso, paborito ko 'tong shirt na 'to," reklamo ulit ni Wonwoo, pero wala naman siyang balak itulak palabas si Mingyu.  He even leaned back, letting Mingyu’s weight settle comfortably over him. "This is the third shirt you’ve stretched out this week. Mauubusan na ako ng pantulog dahil sa'yo."

Mingyu giggled. "Bibili kitang bago, don't worry about it."

Napatawa na lang si Wonwoo, he knows well that Mingyu would do that. He loved this. He loved the absurdity of a grown man, a successful one at that, hiding inside his boyfriend's clothes like a clingy toddler.

But then, he remembered their dinner plans.

"Okay, fine. You can stay," Wonwoo whispered, but then his tone shifted into a playful, firm warning. "Pero Mingyu Elowyn, listen to me. I'm giving you only ten more minutes of this. Kapag dumating 'yung Grab at hindi ka lumabas dyan... I swear, hindi kita bibigyan ng kiss for the rest of the night."

He felt Mingyu stilled inside his shirt. 

"Night kisses are non-negotiable, Love!" at nagtantrums na nga si Mingyu sa loob. Buti na lang talaga alam ni Wonwoo ang kahinaan niya.

"Then enjoy it while it lasts, baby," Natawa na lang si Wonwoo habang nilalaro ang buhok ni Mingyu through the fabric. "9 minutes and 50 seconds left."

Wonwoo felt him snuggle even tighter, na parang sinusubukan niyang pigain lahat ng kaya niyang makuha bago matapos ang oras na ibinigay sa kaniya. Wonwoo just smiled, leaning his head back and closing his eyes, ninanamnam ang mainit na yakap ni Mingyu mula sa loob. 

"Five minutes, Gyu..." bilang ni Wonwoo.

"Ang bilis naman! Dinadaya mo 'yung oras, eh!"

"Labas na, Gyu. Kapag hindi ka pa lumabas dyan, wala ka talagang kiss sakin mamaya," banta ni Wonwoo, pero ang mga  kamay ay hindi pa rin tumitigil sa pag-haplos sa ulo ni Mingyu. He needed him out before the Grab driver comes or else it will be a problem. A big one.

"Okay, fine," Mingyu huffed, but instead of sitting up normally, he suddenly grabbed Wonwoo by the waist.

"Wait, Gyu—ano—!"

Hindi na naka-angal si Wonwoo, mabilis siyang nabuhat ni Mingyu mula sa pagkakahiga ng walang kahirap-hirap. Then he stood up from the sofa with Wonwoo’s legs instinctively wrapping around his waist. He was carrying Wonwoo like a koala, his hands supporting Wonwoo’s thighs as if he weighed nothing at all.

"Mingyu Elowyn, patutulugin talaga kita sa sofa, ibaba mo ako!" Wonwoo yelped, trying to stop his silly guy from doing something really embarassing, clutching Mingyu’s shoulders for dear life. "Nakakahiya tayo!"

"Dinaya mo kasi ako eh. I didn't get to enjoy my full ten minutes of cuddling, kaya babawi ako," Mingyu countered him. 

Naglakad si Mingyu patungo sa pintuan habang buhat-buhat si Wonwoo. Every step Mingyu took made Wonwoo bounce slightly against his chest, making the older man’s face blush. 

"Gyu, nakakahiya! Ibaba mo ko sabi, please! Paano kung makita tayo ng rider?" pabulong na sigaw ni Wonwoo, pilit itinatago ang mukha sa leeg ni Mingyu.

"Edi makita niya. Wala naman tayong masamang ginagawa," Mingyu teased, kissing Wonwoo’s shoulder. Dear, God.  

Wonwoo silently prayed for Mingyu to let go of him. Pero  nakarating na sila sa may pinto, hindi talaga siya ibinaba ni Minggyu. He even managed to open the door with one hand while the other arm stayed locked under Wonwoo’s legs. 

Sakto pagbukas ng pinto nandoon na 'yung rider.

Halatang gulat sa bumungad sakaniya, his eyes wide, almost popping out of its sockets, at the sight of a tall, big man carrying another man in his arms. 

"Ah... Grab food po for Mr. Kim?" the rider asked, hesitant.

Oh God, gusto na talagang magpalamon ni Wonwoo sa lupa. 

"Yes, po, kuya!" Mingyu answered, looking completely unbothered. He didn't even try to adjust Wonwoo to a more normal position. He just stood there, proud and strong, while Wonwoo tried to hide into Mingyu’s neck.

But the embarrassment didn't stop there.

"Kuya, pwedeng paki-check naman kung kompleto 'yung extra rice... mahirap na, baka sungitan ako ng baby ko kapag nabitin," biro pa ni Mingyu habang tumatawa, natawa na rin tuloy 'yung driver. 

"Love! Tama na, please!" Wonwoo pleaded. He felt like his soul was leaving his body.

"Kumpleto po, sir." nakangiting sagot nang driver at iniabot ang paper bag kay Mingyu. 

"Ay, wait lang Kuya!" Mingyu called out bago pa makatalikod ang rider. Love, naman eh! Since parehong may hawak ang kamay niya—isang braso para kay Wonwoo at isang kamay para sa paper bag ng pagkain—hindi niya makuha ang tip sa bulsa niya. "Love, pakuha nga 'yung barya sa bulsa ko. Abutan mo si Kuya." 

Wonwoo wanted to scream. Umalis siya sa pagkakatago sa leeg ni Mingyu at inabot ang bulsa ng shorts ni Mingyu. Habang nanginginig pa, kinuha ni Wonwoo ang isang one hundred peso bill at mabilis na iniabot sa rider nang hindi tumitingin.

"S-Salamat po, Kuya. Ingat sa biyahe," Wonwoo managed to choke out.

"Sige po, Sir... enjoy po kayo sa... pagkain," ang tanging nasabi ng rider bago mabilis na tumalikod. 

Mingyu kicked the door shut with his foot and turned around to walk back to the kitchen—still not letting go. Wonwoo was hitting his back repeatedly, but Mingyu just tightened his grip on Wonwoo’s thighs and even gave Wonwoo’s butt a playful squeeze. The guy really couldn't care less. 

Inilapag ni Mingyu ang paper bav sa counter pero hindi niya pa rin binibitawan si Wonwoo. Naupo siya sa stool habang si Wonwoo ay nananatiling nakayakap at nakaupo sa kandungan niya, mga binti ay nakapulupot pa rin sa bewang ng boyfriend.

"Ikaw, you never really listen. Mukha tayong tanga kanina," naiinis na sermon ni Wonwoo habang pinapanood si Mingyu na hirap na hirap buksan ang takip ng pagkain gamit ang isang kamay.

"Hindi tayo tanga, love. We're multitasking," Oh my God. depensa ni Mingyu, bago tuluyang sumuko at hiningi ang tulong ni Wonwoo. "Can you please..."

Magkasama nilang binuksan ang mga lalagyan, nagtatawanan tuwing muntik nang may matatapon na pagkain dahil sa bawat galaw ni Mingyu ay nayayanig din si Wonwoo. 

"Gyu, seryoso! Malalaglag tayo dito!" pang ilang reklamo na ni Wonwoo habang pilit na binabalanse ang sarili. Ang isang kamay niya ay nakakapit sa batok ni Mingyu para hindi siya mahulog, habang ang isa naman ay pilit na inaabot ang plastic ng utensils. "Sabi ko naman sa 'yo ibaba mo muna ako, 'di ba? You know too well you're not built to multitask wala kang maloloko dito!"

"Kaya ko 'to! Si Mingyu Elowyn Kim yata 'to, focus is my middle name," hirit ni Mingyu, kahit na halatang nahihirapan siyang buksan ang dipping sauce dahil ayaw niyang bitawan ang pagkakayakap sa bewang ni Wonwoo. 

"Focus mo mukha mo! Muntik na tayong matumba nung kinuha mo 'yung tissue!" patuloy na asik ni Wonwoo, pero ang tono niya ay mas malapit sa pang-aasar kesa sa galit. "At tignan mo 'tong shirt ko, Gyu. Basang-basa na ng pawis mo. I'm literally marinating in your sweat! Nakakadiri na tayo, promise."

"I don’t mind, liligo naman tayo mamaya!" Mingyu replied with a cheeky grin, finally managing to scoop a huge portion of rice and ulam. I will never get a break from this guy, can I? 

"Ang gulo mo talagang kumain," Wonwoo surrendered, watching as Mingyu nearly poked his own cheek with the spoon. "Akin na nga 'yan. Ako na magsusubo sa 'yo, baka mabulag ka pa sa pinaggagawa mo." Kinuha ni Wonwoo ang kutsara at sinubuan si Mingyu. 

Wonwoo sighed, reaching out with a napkin to wipe the smudge of oil from Mingyu’s lip. He followed it up with a peck  on the same spot. "Ayan. Ang kalat-kalat kahit kailan. Huwag kang malikot, baka mamaya masamid ka na."

"I love it when you're bossy, Professor," Mingyu teased with his mouth half-full, earning him a playful swat on the chest.

"Kumain ka na lang para pagkatapos nito, maliligo na tayo—at hindi tayo sabay! I need some me time for real now," banta ni Wonwoo, pero mas lalo lang siyang isiniksik ni Mingyu sa counter.

"We'll see about that, Love. We'll see," Mingyu chuckled, leaning in for another kiss in between bites.

Bago pa man muling sumubo ng kanin, Mingyu paused, looking at Wonwoo with a gaze so thick with affection it was almost tangible. Konti na lang may lalabas na talagang maliliit na hearts mula sa mga mata nito. He cupped Wonwoo’s face with his free hand, his thumb stroking his cheek and then leaned in for an incredibly sweet kiss to Wonwoo’s lips, tasting their shared meal.

"Gyu... kumakain pa tayo," Wonwoo murmured against his lips, though he wasn't really pulling away. Nakakapit pa nga siya sa batok ni Mingyu.

"Don't care, isa pa, I missed you," Mingyu whispered, stealing another kiss, then another, trailing them from Wonwoo’s lips to the corner of his mouth. 

"Mmm, mas masarap pa rin talaga 'yung kiss mo kesa sa pagkain," Mingyu teased, sa wakas humiwalay din nang konti just enough to take another huge bite of his sisig. 

Wonwoo let out a sigh, pero halata sa ngiti niya na kinikilig siya. Kinuha niya 'yung kutsara at naghanda ng susunod na subo para kay Mingyu. "Bolero. Kumain ka na nga muna. Lalamig na 'tong extra rice sa kaka-kiss mo."

Pero bago pa man maipasok ni Wonwoo ang susunod na subo sa bibig ni Mingyu, muling humilig ang boyfriend niya. He stole a quick kiss on Wonwoo’s cheek, then another one on the tip of his nose. 

"Mingyu, isa! Ang lagkit lagkit niyan, eww," tawa ni Wonwoo, pilit iniiwas ang mukha pero hindi naman talaga lumalayo.

"Eh bitin nga, Love. Last na talaga 'to," pangako ni Mingyu, pero alam ni Wonwoo na nagsisinungaling lang ito. Mingyu kissed him again, this time sucking on Wonwoo’s lower lip. See? kakasabi lang. 

"Mmm... ang sarap. Nakakagutom lalo," bulong ni Mingyu.

"Mingyu Elowyn, awa, kumain ka na! Anong oras na, oh!" asik ni Wonwoo, pero hinayaan lang niya si Mingyu na ikiskis ang ilong nito sa balat niya. 

"Wait, isa pa," before Wonwoo could protest, Mingyu leaned in again. This time it was the kind of kiss that made Wonwoo forget he was even holding a spoon.

"Gyu, 'yung kutsara—" Wonwoo tried to warn, but the words were swallowed as Mingyu’s hand moved from his waist to the back of his head, deepening the kiss until Wonwoo’s toes curled against Mingyu’s sides.

When Mingyu finally pulled away, he was panting slightly, a smirk on his face. Pero imbes na bumalik sa pagkain, pinaulanan niya ulit ng halik ang mukha ni Wonwoo. Hindi na talaga nagsawa. 

"Ano ba, matatapos pa ba tayong kumain nito?" tawa ni Wonwoo, hiding his face on Mingyu’s shoulder para makaiwas sa mga halik nito.

"Kainin na lang kaya kita?" Mingyu joked. He pulled back just enough to look Wonwoo in the eye. “Tangina. Five fucking years and I’m still so obsessed with you, it’s actually scary."

Ramdam ni Wonwoo ang sincerity sa boses ni Mingyu. His eye's softened, leaning forward to brush his lips against Mingyu’s one more time, voluntarily this time. "I know. I’m obsessed with you too. Same-same lang tayo."

"I love you,," Mingyu confessed so suddenly, finally taking the spoon from Wonwoo’s hand and feeding him a huge bite. "Ngayon, lunok muna bago kiss. Baka mabilaukan ka na sa sobrang pagmamahal ko."

Wonwoo chewed, rolling his eyes at the cheesiness. Corny. 

They stayed like that for the rest of the meal—disgustingly in love, sharing every spoonful, and exchanging kisses after every single bite. It was messy, people would probably throw meaningful looks at them and say its "nakakadiri", but it was the most perfectly imperfect dinner Wonwoo could ever ask for. After five years, Mingyu still looked at him like he was the only thing that mattered in the room, and Wonwoo, despite his complaints about every little thing his clingy lover does, realized he never wanted to be anywhere else.



۶۟ৎ

 

 

"Gyu, ibaba mo na ako. Magliligpit pa ako ng pinagkainan para makaligo na ako, I have an 8 tomorrow" Mingyu for the love of God, wouldn't really let go of him kahit ano talagang gawin niya. Kahit tapos na silang kumain hindi pa rin siya nito ibinababa. Wonwoo even tried to kiss his way out of Mingyu's lap but still failed miserably. 

"Nope, mag-shoshower tayo nang sabay, Love. Para tipid sa tubig, tipid sa sabon, at higit sa lahat... tipid sa oras. You have an 8 tomorrow diba?" Mingyu teased him while walking towards the bathroom. Wow, na-back to you siya. Ang galing. 

"Mingyu Elowyn! Hindi ka naman nakikinig eh! Ayaw nga kitang kasabay maligo," Wonwoo yelped, trying to wiggle out of his boyfriend's grip. "Anong tipid sa tubig? Mas matatagalan tayo sa loob kapag magkasama tayo kasi puro ka kalokohan!"

"I promise, no funny business," Mingyu leaned in to whisper against Wonwoo’s ear habang ibinababa siya nang dahan-dahan sa tapat ng shower. "Tsaka baby, narinig mo ba 'yung balita? May water shortage daw. We need to do our part for the planet. Isang shower head, dalawang tao. It's the only way."

"Water shortage mo mukha mo! Wala tayong advisory!" pero wala na siyang nagawa nang simulan nang paandarin ni Mingyu ang heater.

Kahit anong reklamo ni Wonwoo, wala siyang takas sa clingy  boyfriend niya. Sa huli, napailing na lang siya habang nararamdaman ang mainit na tubig at ang mas mainit na yakap ni Mingyu mula sa likuran.

He realized that with Mingyu, personal space was indeed an extinct concept—and as he felt Mingyu’s nose nuzzling his wet shoulder, Wonwoo decided that maybe, saving the planet wasn't such a bad idea after all.