Work Text:
Kabado si Mingyu.
Ngayon ang unang araw ng kanilang klase. Unang araw bilang hari ng tondo (read: college) dahil finally, nairaos niya ang high school at ngayon ay isa na siyang architecture student sa unibersidad sa kanilang bayan. Ramdam ni Mingyu ang namumuong saya sa kaniyang dibdib dahil puwede na siyang maglakad sa kanilang lugar at best believe na tatawagin itong ‘kuya pogi’ ng mga lower grades. Huwag lang talaga siya mahuli ng mga graduating dahil baka mapaaway siya sa tunay na master ng hierarchy of students.
Sa kabila ng lahat ng iyon, takot pa rin si Mingyu.
He's happy, sure, dahil limang taon na lang, makakaalis na siya sa kalye impyerno na ito. Palapit na siya nang palapit sa kaniyang pangarap—abot kamay na lang kung tutuusin. Makakapagtapos siya ng kolehiyo nang may laude sa kaniyang diploma (kung totoo man ang 11:11), makapasa sa board exam, at maging tuluyang alipin ng kapitalismo dahil thank you Lord, nakapasok siya sa kompanyang nais niyang pasukan.
But that would also mean that his life is getting more serious each passing day. Na pagkatapos ng kalbaryong ito, magsusunog na naman siya ng kilay sa tunay sa parusa ng buhay (corporate world).
Pero sabi nga ni Robin Padilla, ‘sex tito boy!’ este, think positive, walang aayaw! kaya kahit isa siyang number one hater ng naturang personalidad, he took what he said in that alaxan commercial to heart.
He sighed, finally dismissing the thought. ‘Di pa ata siya ready magtweet ng “adulting is hard,” so he'll save the worry for later.
Pagkarating ni Mingyu sa room, hindi rin naman na siya nagulat na halos kumpleto na sila. Malapit na rin kasi magsimula ang klase. Madami siyang nakitang pamilyar na mukha, ‘yung iba ay kaklase niya noong high school o dati pang kakilala. Iyong iba naman ay inistalk niya na sa facebook noong gumawa ng group chat ang kanilang block. Ayos. Ayon ang mundo sa kaniya ngayon. Wala yung pinagkakautangan niyang treasurer noong senior high.
Napatigil si Mingyu sa paghahanap ng mauupuan nang may tumawag sa kaniya. “Anak ng pating, Mingyu! Kaklase na naman kita?” Singhap ni Hoshi, tila hindi makapaniwala. Nilingon ito ni Mingyu at nakitang nakaupo ito sa harap katabi ni Minghao, isa pa nilang tropa.
Oa.
Inirapan ito ng binata. “Oo nga, e. Manawa ka naman.”
Sumingit naman si Minghao sa usapan. “Saan ka uupo, pre? Wala ng bakanteng upuan dito sa tabi namin.” Sambit nito.
Mingyu offered a small smile. “Ayos lang. Wala naman akong balak tumabi sa inyo.” Pagbibiro pa niya na tinaasan lamang ng gitnang daliri ng kausap. Tumawa siya at nilinga ang tingin sa buong silid.
He noticed the empty chair beside the window. Ayos. Puwedeng gumawa ng fake scenario habang tumitingin sa labas kapag boring ang klase.
Tinuro niya ang bakanteng upuan. “Do’n na lang ako,” bago naglakad tungo dito.
Naupo siya sa pinakadulo at pinakagilid. Matapos ang maikling pakikipag-usap sa ilang mga kaklase ay tahimik na lamang siyang umupo at pinagmasdan ang tanawin sa labas.
Hindi kagaya noong high school sila, nasa ikatlong palapag na ang room niya ngayon. Malaya niyang pinanood ang mga high school students na naglalaro ng volleyball na akala mo'y walang klase. Iyong iba naman ay nagkikuwentuhan sa ilalim ng puno, rinig ang mumunting tawanan ng grupo. He remembered his high school days — ganitong ganito rin sila noon. Malakas na tawanan tuwing vaccant habang pinag-uusapan ang kanilang guro sa Araling Panlipunan na tinatalakay ang mga isyu tungkol sa politika habang halos sambahin na ang mayor nilang korap sa facebook. Their high school life had always been filled with laughters, kagaya ng pinagmamasdan niyang mga estudyante, minus the cool uniform dahil hindi naman siya sa science high school ng naturang unibersidad nag-aral, bagkus ay sa pampublikong paaralan na laging binabaha sa tuwing bumubuhos ang ulan. (Fuck the government, he said.)
Aminado si Mingyu na medyo kinakabahan siya sa maaaring mangyari sa school year na ito. It's his first year in college, after all. He didn't know what to expect. Nakausap niya naman na ang kaniyang kuya Cheol at Han na ngayon ay nasa ikatlong taon na ng kolehiyo, at base sa kanila, iba nga raw talaga ang college kumpara noong high school pa lamang sila. Training grounds for adulthood, ika nga.
Pero kung ito lang ang tanging daan patungo sa pangarap niya, edi dadalhin niya na lang si batman para siya na ang bahala.
Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto ng kanilang classroom at niluwal ang isang matandang lalaki. Umayos ng upo ang kaniyang mga kaklase, ang nakabibinging ingay kanina ay tuluyang nawala.
Parang may dumaang anghel, taliwas sa tunay na ugali ng propesor. Natawa si Mingyu sa naisip.
Ipinatong ng lalaki ang bitbit na libro sa mesa. “Good morning, class.” Bati ni Sir Dimagiba.
Nagsimula siyang magpakilala sa klase, at ramdam ni Mingyu ang namumuong kaba sa kaniyang sistema sa hindi malamang dahilan.
Must've been the coffee from earlier. Napasobra siya ng lagay ng kopiko, e.
“Okay, let's proceed to your own introduction. Let's start with—”
Hindi na natapos ng kanilang propesor ang sasabihin nito nang biglang bumukas ang pinto ng silid.
Mingyu expected the worst already. Tinanong niya na una pa lamang ang kaniyang kuya Han kung gaano ba kahirap ang college pero sinabi nitong tumakbo na lang daw siya. Gago talaga. Binalaan na rin siya ng kaniyang kuya Cheol to manage his time well. He specifically warned him about their professor in Viscom 1, dahil malala raw talaga ito magbigay ng workload na sinamahan pa ng deadline na hilig isabay sa exam week. Sa madaling salita, nakikita niya na kung anong klaseng impyerno ang kaniyang pinasok.
But nothing could come close to this.
Isang maputi at matangkad na binata (na sigurado si Mingyu na mas maliit pa rin sa kaniya), ang mga mata’y nahaharangan ng itim na salamin, bitbit ang isang bag na nakakawit sa malapad niyang balikat ang pumasok sa silid.
Lumingon ang buong klase sa lalaking pumasok. Sandaling katahimikan ang namutawi sa paligid. Kung hindi lang nakatitig si Mingyu sa lalaki ay paniguradong nakita niya na ang pag-arko ng kilay ni Sir Dimagiba. “And you are?”
Ngunit dahil naman sa mariing pagtitig, napansin agad ni Mingyu ang bahagyang pagkagulat at takot sa mata ng estudyante. With a shaking voice, he answered, “Wonwoo Jeon, sir. I'm sorry for being late.”
Halata ang kaba sa boses ni Wonwoo. Kung dahil ba nakatutok ang buong atensyon ni Mingyu sa lalaki, o dahil alam niya lang kung paano talaga ito makipag-usap kaya niya agad napansin ang namumuong kaba sa sistema nito ay hindi rin alam ni Mingyu.
He hopes it's not the latter, though. It shouldn’t be.
Isang buntong hininga ang naging sagot ng propesor. “I'll let you off the hook for now, have a seat.”
Tumango ang lalaking nakasalamin at nilibot ang paningin sa silid, naghahanap ng bakanteng upuan.
Hanggang sa magtama ang kanilang mga tingin.
Hindi naman awkward na tao si Mingyu. Kaya nga kapag may nakakasalubong siyang tao sa daan at nagkataong nagkatingin sila ay hindi siya nagdadalawang isip na ngumiti. Kung sakali man na isa ito sa naaya niya ng suntukan dahil sa walang kuwentang opinyon nito ukol sa isyu ng bansa ay tatanguan niya na lamang.
But remember what Paramore had said in one of their songs? Isinabuhay yata ni Mingyu bilang dakilang clout chaser sa larangan ng musika.
Dahil sa halos sampung segundo ng mariing titigan ng dalawa ay hindi man lang umarko ang labi ni Mingyu. Walang ngiti. Walang tango. Kahit pahapyaw man lang ay hindi niya iginawad dito.
That's why Wonwoo took the initiative.
He smiled. Iyong malawak. ‘Yung may laman. At kung papakinggan ni Mingyu ang bulong ni Muyak sa tabi niya? Parang ngiti ng isang yearner final boss ang nakikita niya ngayon. But then again, Mingyu knew better than to trust an ecantado so instead of returning the gesture, he asked himself, ‘bakit ngumingiti ang lokong ‘to?’
Sasagot pa sana si Muyak if Mingyu didn’t mentally shut her off.
Nagsimula itong maglakad palapit, and Mingyu promised himself to lower his caffeine intake dahil sobrang bilis ng tibok ng puso niya.
And then Wonwoo stopped his track. Right in front of Mingyu. At kahit pa isang self-proclaimed science hater si Mingyu, he was worried that his left ventricle stopped pumping blood.
Maraming binasang libro si Mingyu noong bakasyon. Iba't ibang asignatura, iba't ibang bersyon. Bumili pa nga siya ng nakita niyang pinakamurang notes sa mga course na pakiramdam niya ay mahihirapan siya. He spent most of his time studying — he wanted to prove his father wrong. He wanted to show him that he deserves to be here, that he is meant to be here. Inaral niya ang bawat bahagi ng teksto, wala siyang pinalampas. Pinaghandaan niya talaga ang taong panuruan na ito.
But no amount of textbooks or neatly-highlighted notes can ever prepare him for this.
“Long time no see, Min.”
ang piyesang ito ay para sa mga batang jina
Jeonghan
gyu san ka na
Seungcheol
oy dito na kami canteen
wait lang
Jeonghan
bilisan mo gutom na ko
umorder na kayo
Jeonghan
di ko alam kung namamalikmata lang ba ako
pero nakita ko ex mo HAHAAHAAHAHHWWJAHAHA
??
sinong ex
wala akong ganun bata pa ko
Jeonghan
naranasan mo lang ang high school heartbreak ganyan ka na
yung kaklase mo dati na anak ni kalbs HAHAHAHSAHAHAHAHWHWHHWH
san papsi choi
Jeonghan
uy iwas topic HAHAHAHAAHSHAHAHHSEJEJ
nagoorder na kaya dalian mo
ge onda na
Jeonghan
pero wag ka mag-alala HAHAHSHEHWJJW di naman ata siya yun e?
sabi mo lilipat na to pag college
kala ko rin e
ha?
hatdog geh san kayo dito na ko
Inilingon ni Mingyu ang tingin sa paligid, hinahanap ang kuya Han niya. Hindi rin naman nagtagal nang maaninag niya itong nakaupo sa pinakadulo ng canteen, nakataas ang kamay upang kunin ang atensyon niya.
Agad naman siyang naglakad palapit ngunit hindi pa man siya nakakaapat na hakbang ay nakita niya ang isa sa kaniyang mga kaklase na limang mesa ang layo mula sa puwesto ni Jeonghan.
Now don't get him wrong, he likes his blockmates. Bukod sa naging kaklase niya na noon ang ilan sa mga ito, masasabi niya ring mababait iyong mga may mukhang hindi pa pamilyar para sa kaniya. Hindi rin naman siya snobber, kaya hindi siya takot na ngitian o tanguan ang mga ito sakaling makasalubong niya sa labas ng classroom.
Ang kaso, may mga tao talagang kuhang-kuha ang pika niya. Iyong mga tipong mas malala pa kay Hoshi. Mga taong maaaring nakaaway niya sa fb noong 2022 election, o ‘di kaya nama'y nakakuha ng last stock ng crinkles sa canteen, or to keep it simple; mga taong naging dahilan kung bakit napapatanong siya minsan ng ‘di mo ba ako anak, Lord?’ sa tuwing nakakasalubong niya ang mga ito.
Kaya nang makita niya si Wonwoo na kumakain mag-isa, limang mesa ang layo mula sa kinauupuan ng kaniyang kuya Han, napakuwestyon na naman siya sa Panginoon.
Kulang pa nga yata ang kaniyang tahimik na pagdarasal dahil kailangan niya na ring lumuhod, because the moment their eyes met for the second time today, Mingyu almost lose his balance and if it was the proper place to do so, he would've fallen down on his knees immediately (to pray, of course, not because he felt weak all of the sudden.)
Pinili niya na lamang huwag intindihin ang panawagan ni Papa God na lumuhod para magdasal at naglakad na palapit kay Jeonghan, bahagyang tinatago ang mukha na animo’y hindi ramdam ang mga matang nakatutok sa kaniya.
“Oh? Sino tinataguan mo?” Tanong ni Jeonghan nang maupo siya sa harapan. Agad ang pag-iling ni Mingyu, dahilan upang paningkitan siya ng mata ng kausap. “Wala,” Simpleng sagot niya. Hindi man naniniwala, hinayaan na lamang siya ni Jeonghan.
“Ano inorder niyo?” Nagkibit-balikat ang nakatatanda. “Ewan ko kay Cheol. Kasali ka naman ro’n kaya huwag kang mag-alala.”
Tumango si Mingyu. “Okay. Bayaran ko na lang kayo mamaya.”
“Hm. Musta trabaho?”
Isang malalim na buntong-hininga bago muling nagsalita. “Di pa rin kasya suweldo sa karinderya at talyer, e. Susubok ako sa munisipyo, sakaling pasok magcasual-casual.”
Jeonghan nodded with understanding. “Naghahanap tutor kapatid ko.”
Wala pa sa alas kuwatro ang pag-iling ni Mingyu. “Hindi ako ang tamang tao para d‘yan.”
“Ayaw mo man lang bang subukan?”
“Sayang lang pera ko sainyo.” Rumolyo ang mata ng nakatatanda na tinawanan lamang ni Mingyu.
Magsasalita na sana siya nang biglang ilapag ni Cheol ang pagkain bago naupo sa tabi ng kasintahan. “Binabackstab niyo ‘ko?”
“Omsim,” Pakikisakay ni Mingyu.
Binigyan niya na rin ng kubyertos ang dalawa. Hindi naman nakalampas sa paningin ni Mingyu ang pagpunas ni Cheol sa utensils ni Jeonghan and the latter lets him. Sanay na sanay. “Lab, sabi ni Gyu kulang pa raw nakukuha niya kina Tiyo Boboy at Aling Belen. Baka kako may puwesto sa munisipyo?” Panimula ni Jeonghan. Bumaling ang tingin ni Cheol sa katabi bago sandaling tinignan si Mingyu.
“Oo naman, goy. Naghahanap ng mga staff sa opisina ngayon, e.”
Napangiti ang kaniyang katabi. “Yown! Anong mga kailangan? Tulungan ko siya mag-asikaso.”
Natahimik sandali si Seungcheol. Tinitigan siya ng magkaibigan, may mumunting ngiti sa labi, nag-aabang ng sasabihin.
“Yun nga lang, magtatrabaho ka kina panot.” Alanganing tawa ang sumunod sa sinabi niya. Unti-unting nalusaw ang kaninang matamis na ngiti ng dalawa. Isang buntong-hininga naman ang kumawala mula kay Cheol. “Ano? G ka pa ba?”
Mingyu clicked his tongue. “Hindi na ba ‘yan makakaalis ng opisina?”
“Para kang humihiling na tumaas suweldo ng manggagawa n'yan, boi.” Napailing si Cheol habang nanatiling nakakuyom ang bibig ng kausap, tinitimbang ang kaniyang mga desisyon.
Nagsimula ng kumain ang kaniyang mga kaibigan, habang si Mingyu ay tila yata nabusog na sa sobrang daming pumapasok sa kaniyang kokote. He stares at his own food, untouched. Then, by instinct, he looked at his left.
There, 5 tables away from him, was Wonwoo.
Hindi niya alam kung bakit, but at that moment, he felt like it was the most natural thing to do; it was as if it was already a nature for him to stare — to steal a glance, just enough for his mind to take a pause. A breathe.
And he wasn't so sure, but it helped.
Although he looked away before he could no longer can, the feeling stayed — the calmness didn't leave.
So, with a little hesitation but with much more easiness, he answered, “okay, anong mga kailangan?”
“Goy, sigurado ka na dito, ha?” Isang tanong mula kay Cheol ang naging panimula ng usapan nila sa dyip. Alas syete pa lamang ng umaga ay sumibat na sila upang asikasuhin ang mga papeles na kakailanganin niya upang makapag-apply sa munisipyo. Hindi pa siksikan sa sinasakyan nila ngayon. Kadalasan ay mga nanay na kasama ang kanilang anak na halatang napilitan lamang magbitbit ng payong ng BDO para mamalengke, o mga estudyanteng suot ang isang pamilyar na lanyard para kay Mingyu.
Kota ka na sa “UST, totga kita,” tweets mo na yan, Mingyu, bulong niya sa sarili. He blinked before turning to Cheol after a good minute of staring at a stranger’s yellow lanyard. He sighed, “may magagawa ba ako?”
Hindi naman malawak ang oportunidad na inilahad ng kapalaran sa kaniya. Kasing kitid lamang ng kaniyang reyalidad. Unlike the other students situated across him na halatang naka aircon sa bahay at magulang ang nagbabayad ng 6 digits tuition nila, he doesn’t have that much of a choice. May pangangailangan si Mingyu na siya lang din mismo ang nagtutustos.
Bumuntong hininga si Cheol. “Kung may magag—” Mingyu was fast enough to cut him off.
“Pre, kaya ko ’to. Hihingi ako ng tulong pag hindi, alam mo ’yan. Mahirap, pero kaya ko. Sanayan na lang, ‘diba?” Mumunting ngiti ang namutawi sa labi ni Mingyu. Puro ngunit walang kinang, walang ginhawa. Walang pag-asa.
Matagal ng sinukuan ni Mingyu ang salitang iyon. Maaga siyang namulat sa reyalidad. Maagang ginising ng tunog ng sikmura, ng pangangailangan. He was born to survive; born to fight — who is he to dream and hope to begin with?
Tumango si Cheol. May pagintindi. Wala namang ibang magagawa si Cheol bukod sa umintindi. After all, he’s the only person who can actually understand Mingyu anyway. Mga taong nasa laylayan lang ang nakakaintindi ng salitang hirap.
Dalawang daan lang ang baon ni Mingyu noong araw na iyon. Ang kalahati ay napunta sa pamasahe habang ang natitira naman ay pinanghalian nila sa isang karinderya. Nahiya pa nga si Mingyu dahil hindi man lang niya nailibre si Cheol na walang reklamo siyang sinamahan. Pinakyuhan lamang siya ni Cheol at minura.
Umuwi si Mingyu nang walang laman ang coin purse. Umuwi siyang busog ang mata sa bagong mall na pinapagawa ng kanilang gobernador na puro underpaid at overtime ang mga manggagawa, mga tulay na inaayos na naman habang ang ilang daan na piniling huwag pagtuonan ng pansin ay batak-batak na. Umuwi siya nang walang kahit na anong bitbit bukod sa mga papeles na kakailanganin niya sa pagkuha ng trabaho at boses ni Cheol na paulit-ulit niyang naririnig na tila isang sirang plaka habang bumibigkas ng, “Goy, papasok ka nang may prinsipyo at paninindigan. Sana paglabas mo ng munisipyo, bitbit mo pa rin ang bawat daing ng manggagawang Pilipino.”
Madali lang naman iyon para kay Mingyu. Nakaya niya nang saktan noon ang taong wala siyang nais gawin kung hindi alagaan at mahalin — he believes he had proven himself enough.
It wouldn’t take another Jeon to crush his morals and principles. Sabi nga ng pinned tweet niya, “taumbayan muna.”
“Mingyu Kim.” Isang siko ang nagpabalik sa kaniyang ulirat at papikit-pikit niyang itinaas ang kaniyang kamay. Hindi nakatakas sa kaniyang paningin ang mariing titig ng kanilang propesor bago muling tumingin sa attendance sheet.
Napahilot siya sa kaniyang sentido, “shit.” Napasobra siya ng kape kagabi. Sobra sa kopiko, kulang sa tulog. Pamatay.
Kahit ramdam niya ang bigat ng kaniyang ulo, hindi niya pa rin magawang ignorahin ang titig ng kaniyang katabi. Buntong hininga ang kaniyang pinakawalan bago ito tuluyang lingunin. “May kailangan ka?”
Isang araw, while scrolling through his tiktok account, he stumbled upon this video about that one specific tv show na palaging dumadaan sa FYP niya which Mingyu later on labeled his favorite TV show (T being Tiktok and V as in Video). Napanood niya na ba nang buo ang palabas? No. Alam niya bang may OCD si Anna-kat while Katie is a typical white mom? Yes!
One specific thing that he learned from that video is: if you feel nervous to say no, or you’re just nervous to talk to someone, just look straight into their mouth.
Mingyu looked directly into Wonwoo’s lips to divert his gaze only for him to get distracted even more.
Oliver Otto should’ve mentioned to never look upon someone’s lips if it’s glossy and plump.
“Mingyu, okay ka lang ba?”
Putangina. Mingyu should’ve known better than to believe any words from a white man.
Bago pa mahuli ang mga salita ay bumuka na ang bibig niya. “Y-Yes.” Gulat na gulat si Mingyu sa uri ng boses na lumabas sa kaniya. Umangat ang kaniyang tingin sa mata ni Wonwoo. Mapanghanap. Inaalam kung pansin ba nito ang pagbabago sa kaniyang boses.
Ngunit ang tanging nahanap niya ay bakas ng pag-aalala. Hindi pahapyaw, hindi munting saglit lang. It didn’t just pass through. It showed up and marked its stay there.
Hindi siya okay.
Mingyu nodded.
Hindi pa siya maayos.
Agad niyang itinuon ang atensyon sa harap. Walang kahit na anong antok ang nanalatay sa kaniyang dugo. Handa na ulit siyang makinig kay Sir Dimagiba na halos lamunin siya nang buhay nang mapansing natutulog ito habang nagtuturo siya.
He became suddenly so focused that he didn’t notice the katinko on top of his table until the class ended.
It even has a little note on it.
“Please take care of yourself : )”
At kaninong sulat kamay pa ba ang malinis, kaaya-aya, at wala man lang kahit na anong bura kung hindi sa katabi niyang may pulang labi at maamong mga mata?
Lumingon siya sa papaalis ng pigura. He’s not even surprised anymore nang mapagtantong nakatingin na pala ito. Tila alam na hahanapin siya ng mga mata ni Mingyu — siguradong-sigurado.
Ngumiti si Wonwoo. May laman. May pag-aalala. May pag-unawa. At higit sa lahat — mapusyaw at mapag-alaga.
From: WJ
I hope you feel better now : )
‘di mo na kailangan mag-alala.
I don’t need to but I want to.
at wag mo na rin gustuhin.
ano ba talagang ginagawa mo dito?
I’m here to study, min.
this is not your initial plan.
this is my one and only plan.
ang gumuhit at makasama ka : )
I’m already done with the first one.
I’ll worry about the latter now :)
min 🔒@panawagan
tanginang yan hahaha
min 🔒@panawagan
‘di na lang lumubay e ‘no?
min 🔒@panawagan
‘di ka nga puwede dito, wons.
min 🔒@panawagan
hindi ka kasya dito.
Isang araw, maaaring makalimutan ni Mingyu na isang beses sa tanang buhay niya, nasubukan niyang umibig. Nasubukan niyang maramdaman ang tigib at bigat ng pagmamahal na hindi kayang hagkan ng mumunti niyang puso. Pero hinding-hindi kayang burahin ng kaniyang isip at kaluluwa na sa gitna ng pag-ibig na walang kapantay, natuto siyang tumindig at tumalikod.
