Chapter Text
Ramdam ni Mingyu ang pagpintig ng sentido niya—kung dahil ba sa puyat, gutom, pagod, o pikon ay hindi na rin niya alam. O baka naman halu-halo na.
Kape at pancit canton lang ang laman ng tiyan niya ngayong araw. Ilang linggo na ring paputol-putol ang tulog niya. Medyo makirot na ang likod ng mga mata niya at halos mamuti na ang kamao niya sa diin ng pagkakakuyom sa ilalim ng lamesa para labanan ang antok at gutom. Ramdam niya ang bigat ng linggo sa batok, balikat, pati na rin sa talampakan, kahit na ilang oras na siyang nakaupo.
Hindi rin nakakatulong na medyo mahinang umintindi ang batang tinuturuan niya ngayon—kanina pa sila paikot-ikot dito, pero mukhang ni isa ay walang tumatak sa kukote nito. Mahaba ang pasensiya ni Mingyu—wala naman siya rito kung hindi (bukod sa gandang lalaki, pagiging magalang, matalino, at syempre, effective skills sa pagtuturo) pero konti na lang baka magmaktol na talaga siya.
Pero ano pa nga bang magagawa niya kung hindi magtiis? Wala siyang karapatang magreklamo, lalo na’t ngayong gipit siya.
Medyo tagilid kasi ang sitwasyong pinansyal ng pamilya niya ngayon. Nagkasakit ang tatay, dahilan para huminto muna ito sa pagtatrabaho. Isang butihing guro ang nanay sa isang public school sa probinsya, pero mahirap pagkasyahin ang kakarampot nitong sweldo sa dalawang anak na pinapaaral. Tumutulong naman ang Ate Jennie niyang sinwerte sa abroad, pero may sarili rin itong pamilya na kailangang alalahanin; ayaw na niyang dumagdag pa kung kaya namang gawan ng paraan. Ilang tulog at tanghalian na lang naman ang kailangang isakripisyo at makakapagtapos na rin siya.
Salamat na lang talaga sa Diyos at malakas-lakas ang katawan niya—kung hindi ba naman siya maging kwento talaga sa pinaggagawa niya.
Habang tulala ang tutee niya sa kisame, na para bang nandoon ang solusyon sa sinasagutang activity, naramdaman ang pag-vibrate ng phone niya sa bulsa ng paboritong maong shorts na kupas na. Mabilis niya itong kinuha. Sabi kasi ni Seungcheol ay baka kaya siya nitong ipasok sa pinagtatrabahuhang coffee shop. Medyo matumal na rin kasi ang raket niya sa pag-tututor ngayon. Kahit na sinuswerte siya minsan sa galanteng kliyente, hindi pa rin sapat para sa bundok-bundok niyang bayarin.
Agad nawala ang kunot sa noo niya nang makita ang pangalan sa notification bar.
wonwoo 🏠
minmin
hiii c:
lumipat us ng groupmates ko
so i’m just nearbyisabay na kita pauwi?
Isang maliit na ngiti ang gumuhit sa labi ni Mingyu. Si Wonwoo—ang roommate niyang cute. Sobrang cute. Napakacute. Nasabi na ba niyang cute? Ang cute ni Wonwoo.
oo
pero mga kalahating oras pa
bago kami matapos eh :cayos lang?
that’s fine
we’re not yet done anyway
i just thought i’d check on you
kumain ka na ba?
hindi pa
hehehe :c
mamaya na po pag-uwi
luto po ako
hay naku
it’s okay i’ll grab food for us c:
Kinagat ni Mingyu ang loob ng pisngi para pigilan ang paglawak ng ngiti. Umubo-ubo pa siya na para bang mapapakalma no’n ang puso niya. Ibang klase.
Madilim na sa labas nang matapos sila. Habang inaayos niya ang mga gamit, nilapitan siya ng ginang. Halos masamid si Mingyu sa sariling laway nang hawakan siya nito sa braso pagkatapos abutan ng isang matabang sobre. Oh, no. Oh, no! Alam na alam ni Mingyu ang mga ganyang ngitian at malagkit na tinginan. Hindi maganda ang ikot ng tiyan niya. Takbo!
“Thank you, ha?” sabi ng ginang, malumanay ang boses pero may kakaibang diin. “We really appreciate your time, Mingyu.”
“Ay, wala po ‘yon, ma’am,” magalang na sagot ni Mingyu, pasimpleng umaatras habang sinasarado ang dalang bag. “Maraming salamat po.”
“You know…” nakangiting pagpapatuloy nito. “My husband and I would love to have you over sometime.”
Ayan na nga ba ang sinasabi niya. Lintek na ‘yan. Dapat talaga hindi niya pinagkakatiwalaan si Seokmin, eh. Malaki magbigay ‘yon, Goy. Galante ‘yon, pramis. Maraming pera ro’n.
Bahagyang yumuko si Mingyu bago ito bigyan ng isang magalang na ngiti. At dahil siya si Mingyu, ang sagot niya ay isang napakatalinong, “Ang bait niyo naman po. Maraming salamat po.”
Halos kumaripas ng takbo si Mingyu palabas ng bisinidad. Putanginang buhay nga naman talaga ang meron siya minsan. Gipit man, may dignidad at prinsipyo pa rin naman siyang pinanghahawakan. He hadn’t hit the point yet where he could stomach being an entertainment to filthy rich couples trying to spice up their sex life, or let himself get roped into a pyramid scheme.
Tahimik ang kalsada at ang mga poste ng ilaw lamang ang nagbibigay liwanag sa kapaligiran. Tanging marahang kaluskos ng mga dahon ng puno at paminsan-minsang tahol ng aso sa may kalayuan ang maririnig sa labas ng subdivision. His worn-out I love Baguio shirt and backpack with a broken zipper stood out like a sore thumb in the rich neighborhood.
Bumuga siya ng malalim na hininga atsaka sumandal sa pader, ang bag ay nakasukbit paharap, ninanamnam ang preskong hangin habang nakapikit. Ayon sa huling message ni Wonwoo ay malapit na ito.
Hindi rin nagtagal at may pamilyar na itim na kotse ang tumigil sa tapat niya. Isang maamong ngiti at paper bag ang sumalubong sa kanya pagbukas ng pintuan.
“Here,” sabi ni Wonwoo. “I know you’re hungry, so eat this muna. Let’s eat nang maayos sa atin later.”
“Hala,” medyo nahihiyang sambit ni Mingyu atsaka lumabi. Parang inasinan na naman ang mga bulate sa tiyan niya. “Won.”
Umirap si Wonwoo pero nahuli niya ang bahagyang pag-angat ng isang gilid ng bibig nito, nagpipigil ng ngiti. “Stop being cute. Paano kita papagalitan niyan? Cheol told me na puro ka raw pancit canton this week.”
At dahil isang hopeless case si Mingyu, tila ba tumigil ang pag-andar ng utak niya nang marinig ang salitang cute. Isa na naman ‘yan sa madadagdag sa halos isang libong yearning posting ni user migoypogi: ack cute daw ako gago : ( tungkol sa roommate niya mamayang alas dos ng madaling araw. Bukas na niya mumurahin si Seungcheol sa pagiging sumbungero nito.
Napakamot na lang sa ulo si Mingyu habang kinakabit ang seatbelt gamit ang isang kamay. “May itlog atsaka repolyo naman yun. Balanced diet pa rin.”
“Mingyu.” Tila ba hindi alam ni Wonwoo kung makukunsumi lalo o matatawa sa palusot niya. “You’re so kulit, ha.”
“Hindi na Minmin?” hirit ni Mingyu para pagaanin ang usapan.
“No. You’ve been demoted back to Mingyu kasi you’re hard-headed,” sabi ni Wonwoo bago maingat na pinihit ang kambyo. “You keep working late, tapos you’re not replenishing your body properly. Gosh. Nakakainis ka.”
Kiss muna, gustong sabihin ni Mingyu, pero syempre, bawal yun. Ika nga ng isang great 21st century philosopher: bawal talaga. Kaya ngumiti na lang siya—yung ngiting pa-cute, a little pouty na may kasama pang puppy dog eyes. “Sorry. Kakain na po nang maayos.” And then, he sincerely added, “Salamat, Wonwoo.”
Saglit na lumingon si Wonwoo sa kanya bago umirap ulit. Ngunit madilim man, kitang-kita ni Mingyu ang pagpipigil nito ng ngiti.
Ibang klase talaga. Iba talaga ang gaan ng mundo tuwing nasa tabi si Wonwoo. Laking pasasalamat na lang talaga ni Mingyu na may isang Wonwoo Jeon sa buhay niya para pagaanin kahit saglit ang bigat ng mundo.
⾕♡
Kalagitnaan na ng semester at tambak na ang mga gawain dahil sa nalalapit na midterms. Puno ang coffee shop ng mga estudyanteng naghahabol ng deadlines at sinisikap na lang iraos ang semester. Tunong ng mga daliring nagtitipa sa nagmamahalang laptop at paminsan-minsang buntong-hininga ang maririnig.
Parang naligaw lang si Mingyu rito kasama ang laptop na napaglipasan na ng panahon, pero hindi naman niya ‘yon kinakahiya dahil gumagana pa naman ito at nagagawa ang trabaho.
Tutok si Mingyu sa screen nang may platitong may lamang cinnamon roll ang lumitaw sa harapan niya. Umangat ang tingin niya; mukhang break na ng kaibigan. Umupo si Seungcheol sa bakanteng upuan sa tapat niya, medyo gulu-gulo pa ang buhok dahil sa kakatanggal lang nitong suot na sumbrero na may naka-embroider na pangalan ng coffee shop.
“Negats, ‘tol,” sabi ng kaibigan atsaka pumalatak. “Naunahan tayo, eh. Malakas din yung kapit kasi pinsan ng manager.”
Tumango si Mingyu, sinusubukang hindi manlumo sa narinig. “Ayos lang, ‘tol. Salamat pa rin.”
“Hindi ba ayos yung kay Seok?” tanong ni Seungcheol bago lumagok sa dala nitong tumbler. “Akala ko ba galante ‘yon?” Pagkatapos natatawa nitong dagdag, “In-offer-an ka ba ulit magbenta ng slimming pills?”
Halos kilabutan si Mingyu sa alaala. “Gago, hinde. Gusto akong gawing boy toy.”
Natigilan saglit si Seungcheol. “Gago?” Parang hindi pa ito makapaniwala hanggang sa nag-umpisa itong humalakhak. “Seryoso ba? Magnet ka sa ganyan, ah.”
Naalala tuloy niya yung nangyari noong freshie pa siya. May matandang lalaking nag-iikot-ikot sa campus na inalok siyang ihatid sa pupuntahan niya. At dahil wala pa siyang kamuwang-muwang noon, pumayag naman siya. Medyo naguluhan siya sa mga tanong nito, pero sinagot pa rin naman niya dahil inalok siya ng libreng sakay sa kalagitnaan ng mainit na tirik ng araw.
A week later, he overheard from his blockmates that the old man was actually notorious for luring students into being sugar babies. Muntikan na talaga siya ro’n.
“Gago,” sabi na lang din ni Mingyu atsaka napayakap sa sarili. “Ang puri ko.”
“Pero, ‘tol,” umpisa ni Seungcheol, tatawa-tawa pa rin. “Gets ko. Yung mga ganyang datingan yung tipo ng mga malulungkot na housewife, eh—gipit na college student na walang oras magjabol.”
“Gago,” mura ulit ni Mingyu bago kumagat sa pagkaing bigay ng kaibigan. Diniin niya sa itaas ng bunganga ang dila para pigilan gumusot ang ilong sa lasa ng cinnamon. Kumakalam na ang sikmura niya at wala sa budget ang meryenda kaya hindi siya pwedeng mag-inarte. “Sobrang sketchy talaga, gago.”
“Sketchy talaga,” natatawang sabi ni Seungcheol. “Ano bang akala mo? Tingin mo paano nakabili ‘yon ng buong ecosystem ng Apple? Nakipag-jak en poy sa spa? Magic?”
Saglit na natigilan si Mingyu, para bang nag-buffer muna siya physically sa narinig bago na-gets ang gustong ipahiwatig ng kaibigan. Wala namang panghuhusga mula sa kanya. Hindi na rin siya nagulat masyado dahil may duda na rin naman siya. At the end of the day, kanya-kanyang diskarte na lang ang mga estudyanteng gipit na wala masyadong pagpipilian tulad niya kung paano maitatawid ang araw-araw.
Nagkibit-balikat na lang si Mingyu bago kumagat ulit sa libreng tinapay. “Eh, yung sa pinsan mo? Yung sa talyer?”
Tumango si Seungcheol atsaka sinuklay ang mga daliri sa buhok. “Babalitaan kita.” Nagpakawala ito ng hininga. “Nakakapagjabol ka pa ba, p’re? Graduating na tayo. Ang lungkot naman na buhay lang kumakantot sa ‘yo.”
“Ano ba namang bunganga ‘yan,” reklamo ni Mingyu, gusot ang ilong. Tapos may naalala siya bigla kaya binangga niya nang malakas ang paa nito sa ilalim ng lamesa. “Napakadaldal mo, gago. Sumbong ka pa kay Wonwoo.”
Tinaas ni Seungcheol ang dalawang kamay. “Sumagot lang ako. Kinakamusta ka lang ng roommate mo kasi lagi ka raw late umuuwi. Miss ka na ata, eh.”
“Tanga,” sabi ni Mingyu pero ramdam niya ang pag-iinit ng mukha.
Natawa si Seungcheol. Inipon niya ang medyo mahaba nang buhok galit ang daliri bago sinuot ulit ang sumbrero. “Sinasagad mo lagi katawan mo. Ni ‘di ka man lang kumain ng matino pambawi. Puro ka pancit canton—baka kulot na rin jebs mo niyan. Sakit ba hanap mo?”
Hindi makaangal si Mingyu; tama naman si Seungcheol. Pero kasi… ano pa bang magagawa niya? Kung gusto niyang makapagtapos nang nasa oras, may mga bagay talaga siyang kailangang isakripisyo—kahit na katawan pa niya ‘yan. Kaya pa naman, eh. Konti na lang naman.
Bago pa siya makasagot, tumayo na si Seungcheol. “Tapos na break ko.” Itinaas nito ang baba nang bahagya na parang may tinuturo. “Speaking of, ayan na lalabs mo.”
Mabilis pa sa alas kwatrong lumingon si Mingyu sa likuran. Napahalakhak tuloy si Seungcheol sabay hampas sa kanya sa may dibdib bago tuluyang umalis.
Sa mga ganitong pagkakataon napagtanto ni Mingyu na totoong may pinapabaron nga talaga ang Diyos. Tama bang nasa mayayaman na nga ang salapi, tapos nasa kanila rin ang magandang lahi? Hakot na hakot lahat. Wala man lang tinira sa social class ko. Medyo unfair ka diyan, Lord Jesus. But, at least, what came out of it was his roommate.
Bulag nga talaga ang pag-ibig.
Nasa kanya na ang tingin ni Wonwoo nang makita niya ito, nakangiti, suot ang paboritong kulay pink na cardigan. Agad naman ‘yon sinuklian ni Mingyu. Nakasabit ang tote bag nito sa isang balikat habang kabig-kabig naman ang laptop na mamahalin sa kabilang kamay.
Wow. Ang ganda lang. Kapag naging inhinyero ng bayan si Mingyu, ibabahay niya ‘yan.
“Hi,” nakangiting bati ni Wonwoo bago umupo sa tapat niya. Maingat nitong nilapag ang mga gamit bago ituon ang atensyon kay Mingyu. Tinukod nito ang siko sa lamesa at bahagyang pinaling sa kanan ang ulo. Ang cute niya, nanay. “I haven’t seen you before. I’m Wonwoo, by the way.”
Ramdam ni Mingyu ang mabilis na pag-init ng pisngi niya. Syempre, bilang isang lover boy, sasakyan niya ang trip ng roommate niya. “Ngayon lang ako pumunta rito. Mingyu ang pangalan ko.”
“Ah.” Tumangu-tango si Wonwoo, may maliit na ngiti sa labi. “Makes sense. I wouldn’t miss that face. You’re cute, eh.”
At bilang siya si Mingyu, ang sagot niya ay isang napakaswabeng, “Lah.”
Natawa si Wonwoo. Maliit lang, pero kitang-kita sa pagpikit ng mga mata nito ang tuwa. Hindi lang mga bituin ang nakikita ni Mingyu, pati na rin ang kurba ng buwan. Naku po. Delikado na siya.
“Cute mo,” sabi ni Wonwoo, may natitira pang tawa sa bibig. Inabot nito ang platito ng cinnamon roll atsaka tinabi. “I’ll take this—ayaw mo naman nito, eh. I ordered you your favorite—iced choco and garlic bread.”
Inuwian kasi siya minsan ni Wonwoo ng pagkain galing dito dati at sarap na sarap siya. Masarap talaga ang pagkain ng mayayaman, lalo na kapag libre. Inuwian. Hehehe. Kilig.
“Hala,” nahihiyang sambit ni Mingyu. “Hindi naman kailangan. Ayos na ‘ko rito. Masarap naman.”
Pinanliitan siya ng mata ni Wonwoo. “Liar. You hate anything with cinnamon.”
Ayan na nga ba ang sinasabi niya. Ayan—sa ganyan siya nadadali, eh. Atentibo. Maalaga. Naaalala ang bawat detalye sa mga kwento niya. Malumanay manalita. Maganda ang ngiti. Hawig si Mama Mary. Edi yari talaga si Mingyu. He had to quickly remind himself of that one famous proverb from a wise philosopher: ang mayaman ay para lang sa kapwa mayaman. Gano’n ang takbo ng mundo.
Ngumiti si Mingyu. “Sabi ko nga. Salamat, Won.”
Umirap lang ito na may kasamang maliit na tunog bago buksan ang sariling laptop.
Hindi rin nagtagal ay tumayo si Wonwoo para kunin ang order. Nagpresinta si Mingyu na siya na ang kukuha pero tumanggi ito. Hindi niya maiwasang sundan ito ng tingin. May kung ano talaga kay Wonwoo na kapag tumingin ka na, ang hirap nang bawiin ng tingin. Parang kasalanang iwasan—kasalanang pumikit.
Nang makabalik si Wonwoo, maingat nitong nilapag ang mga biniling pagkain. Alagang-alaga talaga si Mingyu. Maging ang straw para sa iced choco niya ay ito na ang nagbukas at naglagay sa plastic cup. Baby-ng baby siya kahit na ang laki niyang tao. Tawagin mo nga akong baby.
“Buti you’re here?” tanong ni Wonwoo pagkaupo. Bahagya itong sumipsip sa biniling overpriced na inumin. Hindi alam ni Mingyu ang pangalan pero maganda ang kulay. “I mean—I never see you around kahit na your friend works here.”
Kung pakikinggan ni Mingyu ang ilusyonadong boses sa utak niya, tunog hinahanap-hanap siya ni Wonwoo. Nahihiyang tumawa si Mingyu atsaka sinuklay ang mga daliri sa buhok niyang may kahabaan na. “Ah. Nagbabaka sakali lang na may bakante sila rito. Kaso wala, eh.”
Bahagyang kumunot ang noo ni Wonwoo. “What about tutoring? Pagsasabayin mo?”
“Sana. Medyo matumal, eh.” Nagkamot si Mingyu ng sentido. “Pero kaya naman makaipon bago ang susunod na sem.”
Sana. Lintek kasi. Napakagastos ng kurso niya.
Tumangu-tango si Wonwoo. Ilang sandali itong natahimik, parang may iniisip, bago nagsalita ulit. “What are you looking for ba?”
“Basta hindi illegal,” sagot niya. “Atsaka may bayad. Syempre, sana pasok din sa schedule ko.”
“Hmm.” May mumunting pagkibot sa gilid ng labi ni Wonwoo. “Okay. I’ll let you know kapag may nahanap ako.”
“Salamat,” sinserong saad niya.
Bahagyang ngumiti si Wonwoo. “Basta magsabi ka lang. You know that naman, ‘di ba?”
“Alam ko.” Mukhang may gusto pang sabihin si Wonwoo, pero kita sa mga mata nito ang konting pag-aalangan kahit na nakangiti. Kaya ngumiti si Mingyu. “Alam ko rin yun—na hindi mo ‘ko kinakaawaan.”
Lumawak ang ngiti ni Wonwoo. “That’s good. I’m here, Mingyu. There’s no getting rid of me.”
Bago pa man mapigilan ni Mingyu ang sariling bibig, lumabas na ang mga salita. “Ayos lang. Wala naman akong balak paalisin ka.”
Parehas silang tahimik lang pagkatapos.
Hindi palatanong si Wonwoo, pero sa bawat pagkakataon na meron ito, hindi nito pinapalagpas na ipakita na nakikita nito si Mingyu. Sa bilis ng takbo ng buhay, minsan ay nakakalimutan na niya ang sarili. At sa tuwing malapit na siyang matangay ng mga sariling palaisipan, nandiyan palagi si Wonwoo para samahan siya at hawakan ang kamay niya.
Tuwing bibili ito ng pagkain, palaging may nakatabi para kay Mingyu. Tuwing nagpupuyat si Mingyu para maghabol ng deadlines pagkatapos ng napakahabang araw, tinatabihan siya ni Wonwoo para samahan siya—tahimik man, pero kahit papaano, hindi niya mag-isang tinatahak ang gabi. Ilang beses na rin nitong pinalampas tuwing nahuhuli si Mingyu mag-abot ng bayad sa renta dahil may ibang bayarin siyang kailangang unahin. Parang abusado na nga siya minsan, pero ngingitian lang siya ni Wonwoo atsaka sasabihing, “It’s okay, Min. We’re friends. Ano ka ba?”
Ito yung tulong na hindi pinipilit, pero nandiyan lang palagi kapag kailangan. Pero minsan, ang hirap pa rin tanggapin. Ang hirap kasi magkautang—lalo na kapag hindi ka naman sinisingil.
Hindi alam ni Mingyu kung ano bang mabuting nagawa niya sa buhay para biyayaan siya ng isang Wonwoo. Na sa pagitan ng antok, gutom, at pagod, ay may isang espasyong naghihintay sa kanya na pwedeng balik-balikan para magpahinga—sa tabi ni Wonwoo. At sapat na ‘yon para sa kanya. Sapat na sa kanya ang mapagbigyan sa mga ganitong pagkakataon.
Hindi naman lahat ng magagandang bagay kailangan tingnan sa malapitan. Hindi naman siya gahaman.
Kasabay ng pagbagal ng paligid ay ang pagbigat ng talukap ng mga mata. Hindi na niya namalayang hinehele na siya ng mundo at unti-unti nang bumabagsak ang ulo sa brasong nakapatong sa mesa. Ngunit agad din niyang nahuli ang sarili. Hindi pwede. Bahagya siyang napabalikwas, pilit hinahabol palayo ang antok.
Ngunit isang kamay ang humaplos sa likod ng kamay—magaan, maingat, at pamilyar—na para bang inaalo siya.
“It’s okay,” rinig niyang bulong ni Wonwoo. “Let yourself rest for a bit. I’ll wake you up later, hmm? Sige na.”
Sa init na bigay ng palad ni Wonwoo at presenyang tila marahan siyang idinuduyan, parang hindi kasalanang pagbigyan ang sariling huminto saglit—para bang pwede niyang ibigay sa sarili ang pahinga kahit sa iilang sandali. Kaya naman hinayaan ni Mingyu ang sariling pumikit ulit kahit na panandalian lang.
⾕♡
Maaliwalas ang inuupahan nilang apartment—sapat ang espasyo para sa dalawang estudyanteng kailangan ng kanya-kanyang pwesto tuwing nag-aaral at gumagawa ng plates. Kalmado ang paligid—tanging mahinang ugong ng bentilador sa maliit na kusina, lagaslas ng tubig mula sa banyo, at pagkulo ng nilulutong sabaw ang bumabasag sa katahimikan.
Matagal na rin simula nang huli siyang nakapagluto para sa kanilang dalawa. Hindi niya alam kung matutuwa ba siyang sa libreng oras, o malulungkot dahil ibig sabihin ay wala siyang raket ngayong araw.
Ganito naman talaga ang napagkasunduan nila ni Wonwoo—babawasan nito ang renta basta’t magluto siya para sa kanilang dalawang kapag kaya.
Wala naman kasi talagang balak mag-Maynila si Mingyu. Ang kaso, nasasayangan ang nanay at tatay sa oportunidad. Kaya naman ng mapagpasyahan niyang sumubok, wala nang masyadong pagpipilian na pasok sa budget at malapit sa unibersidad. Iniisip na nga niya noon na baka wala talagang espasyo para sa kanya rito.
And that was when he came across a Facebook post of a certain Wonwoo Jeon. His eyes immediately zeroed in on the words inside the parentheses at the end of the post. Can lower the rent if you can cook. Even lower if it’s up to my taste. Syempre, dali-dali siyang nag-comment. He even attached a collage of photos of his home-cooked meals as proof and to make an impression. Gumana naman dahil siya ang napili.
Tatlong taon ding gano’n ang setup nila.
Pero dahil kapos sa oras si Mingyu nitong mga nakaraang buwan dala ng pangangailangan, hindi na niya nagagampanan ‘yon. Laking pasasalamat na lang niya na maintindihin ang roommate niya.
Hindi rin nagtagal ay natapos na siya sa pagluluto. Binalot ng amoy ng bagong saing na kanin at lutong sinigang ang apartment. Pinatay ni Mingyu ang kalan atsaka sinimulang isalin ang ulam sa isang malaking mangkok. Hinugot na rin niya mula sa pagkakasaksak ang rice cooker at kinuha ang pot para ilapag sa lamesa. Hinanda na rin niya ang mga plato at kubyertos, maging ang baso’t pitsel.
Habang inaayos ang lamesa, nakarinig si Mingyu ng marahang yapak ng mga paa, dahilan para umangat ang tingin niya.
Diyos kong mahabagin. Para siyang dinedemonyo.
Basa pa ang buhok ni Wonwoo. May butil-butil pa ng tubig na tumutulo mula sa dulo ng buhok pababa sa suot nitong manipis na t-shirt. Medyo namumula pa ang pisngi at dulo ng ilong nito. Ngunit ang hindi napaghandaan ni Mingyu ay ang suot nitong shorts na parang kinulang sa tela—halos kasinghaba lang siguro ito ng palad niya.
Saglit na natigilan si Mingyu, kumurap-kurap, bago nag-iwas ng tingin. Ramdam niya ang init ng unti-unting umaakyat sa mukha niya. Napalunok siya, pinapakalma ang nakakahilong pag-ikot ng kung ano sa may sikmura niya.
“Uh,” natutulirong umpisa ni Mingyu atsaka pumwesto na ng upo. “Kain na tayo.”
Halos tumalon si Mingyu sa kinauupuan nang umupo si Wonwoo sa tabi imbes na sa nakagawiang pwesto sa tapat niya. Isang impit ngunit mahinang tili ang pinakawalan nito. “Namiss ko luto mo, Min.”
Inangat ni Mingyu ang tingin at isang nakangiting Wonwoo ang sumalubong sa kanya. Ah, isip niya. Hindi naman pala nakakasilaw ang araw sa malapitan.
Tahimik lang silang kumain—paminsan-minsa’y may mga mumunting papuri si Wonwoo tungkol sa luto niya, pero madalas ay tunog ng mga plato at kubyertos lamang ang maririnig. Pilit nilunok ni Mingyu ang kilig sa bawat pagsubo. Mapili si Wonwoo sa pagkain at paborito nito ang luto niya. Edi ang yabang na niya niyan.
“Min,” tawag ni Wonwoo maya-maya. It was already a predictable pattern—konti na lang ang natitira sa plato nito, which meant lalabas na rin ang daldal nito. “You know—someone told me kanina na I look like someone na hindi marunong gumamit ng washing machine.”
Napakurap si Mingyu atsaka bahagyang natawa. “Hindi naman siya mali.”
Sinamaan siya ng tingin ni Wonwoo. “I’m aware. But—” Suminghal ito. “Where did that even come from? Sobrang random.”
“Para ka raw baby,” pang-aasar ni Mingyu.
Umismid si Wonwoo. “You think I’m a baby?”
Baby ko, mabilis na sagot ng boses sa utak niya, pero dahil bawal nga yun, ang nasabi na lang niya ay, “Hindi ba?”
Tinaasan siya ni Wonwoo ng isang kilay bago nagpakawala ng mahinang tawa. “If it’s you—” Nagkibit-balikat ito. “Then I don’t mind.”
Mabilis ang pagkaripas ng dugo papunta sa mukha ni Mingyu. Halos mabilaukan sa sariling laway dahil sa narining. Napaubo-ubo na lang siya at napaiwas ng tingin. Foul, gago. Tama ba yun? Pinaglalaruan ang feelings ko! Isusumbong niya maya-maya si Wonwoo sa guardian angel niya bago matulog.
Rinig niya ang mahinang pagtawa ni Wonwoo. “You’re really cute, Min.”
Talaga nga naman. Ano na lang ang laban ng puso ni Mingyu sa ganyan?
⾕♡
Nang matapos silang kumain, nagpresinta si Wonwoo na maghugas ng pinagkainan, pero inunahan na siya ni Mingyu. Ngayon lang siya nakabawi, eh. Kaya naman nakahalukipkip lang si Wonwoo sa may counter, umaangat nang konti ang tela ng shorts dahil pagkuyakoy, habang hinihintay siyang matapos.
“Min,” tawag ni Wonwoo. “You said anything legal with good pay is fine, right?”
Tumango si Mingyu atsaka ito nilingon. “Oo. Kahit ano.”
“Okay.” May kakaiba sa ngiting lumandas sa labi nito. “I’ll keep that in mind.”
⾕♡
Lumipas ang mga araw at matumal pa rin ang dating ng raket. Bukod sa pag-tututor at pagiging parttime kitchen staff sa isang fast food chain tuwing Sabado at Linggo, o tuwing kailangang mag-cover ng shift, sa paminsan-minsang raket bilang zumba instructor sa isang nursing home lang siya umaasa nitong mga nakaraan.
Sa gitna ng initan, ilang sandali rin siyang nakatitig lang sa ad na nakita sa isang Facebook post mula sa Arts Department na naghahanap ng nude models, kinokonsidera. Binulsa niya ang phone atsaka bumuntong-hininga. Habang naglalakad sa ilalim ng tirik na araw, inisip ni Mingyu kung paano niya ipagkakasya ang natitirang pera—sa mga gastos sa kurso, sa mga bayaring lagpas na sa deadline, at sa mga paparating pa—nang hindi kailangang mangutang.
“Wala, ‘tol,” ang bungad ni Seungcheol kay Mingyu pagkarating sa karinderya. “Mahina raw sa talyer ngayon, eh.”
“Ah.” Umupo siya sa tabi nito. Nanlalagkit na ang balat niya sa init at medyo pumipintig na ang ulo niya sa gutom para maproseso ang nang maayos ang sinabi ng kaibigan. “Salamat pa rin, ‘tol.”
“Sabi sa ‘yo do’n ka na lang sa’min, eh,” sabi ni Seokmin atsaka inusog ang platong may kanin at pork sisig na umuusok pa kay Mingyu. Ngumiti ito nang nakakaloko atsaka ginalaw-galaw ang mga kilay. “May bakante kami ro’n lagi para—aray ko naman!”
Hinampas ni Seungcheol ang likod ng ulo nito. “Tigil-tigilan mo nga si Goy. Huwag mo ‘yan isali sa kalokohan mo.”
“Wow ah. Parang sinabi mo na ring isa akong maduming puri.” Humawak si Seokmin sa may dibdib. “Nakakasakit ka na.”
Hindi ito pinansin ni Seungcheol. Bumaling sa kanya ang kaibigan “Anong balak mo, Goy?”
“Ewan,” medyo wala sa sariling sagot ni Mingyu atsaka sumubo ng pagkain. “Bahala na.”
Ano nga bang balak niya? Mainit—tirik na tirik ang araw, at kahit nakapwesto na sila sa tapat ng bentilador ay hindi pa rin pumepresko ang pakiramdam niya. Hindi siya makapag-isip ng tuwid. Ayaw na muna niyang isipin—mamaya na niya poproblemahin. Nanamnamin na muna niya ang libreng tanghalian.
Bumuga ng hininga si Seokmin. “Bakit kasi ayaw mong tanggapin yung tulong ng roommate mo?”
“‘Di naman kailangan,” sagot ni Mingyu.
“Ay sus,” nakaismid na sambit ni Seokmin na mabilis ding napalitan ng ngisi. “Isipin mo na lang sugar baby ka niya.”
Naubo tuloy si Mingyu. “Gago.”
“Yie,” parang batang pang-aasar ni Seokmin atsaka inabot ang baba ni Mingyu, tinapik-tapik. “Kilig putotoy niya.”
“Gago,” ulit ni Mingyu atsaka hinampas ang kamay ni Seokmin. “Ako na naman ang nakita mo.” At tunay nga siyang gutom dahil wala sa sarili niyang dinagdag, “Atsaka ‘di naman ako gustong maging baby no’n.”
Ramdam niya ang mapanghusgang tingin ni Seungcheol sa gilid ng mukha niya kaya nilingon niya ito. Nakaismid nitong sinabi, “Alam mo, pogi ka na nga, malaki pa tite mo. Pero tingin mo lagi dehado ka pa. Paano ka uusad niyan?”
Ala una pa lang ng tanghali at dalawang beses nang napag-usapan ang tite niya sa loob ng isang minuto. Dumampot si Mingyu ng tissue atsaka nilamukos bago ibato sa mukha ni Seungcheol. Siguro pampalubag-loob na lang na gipit man siya, pinagpala naman siya sa ibang aspeto. Totoo pa rin pala ang Diyos.
“Gago,” na lang ulit ang nasabi niya.
⾕♡
Bagong ligo ulit si Wonwoo nang maabutan ito ni Mingyu na kumakain ng tinapay sa kusina. Naging parte na ng routine ni Mingyu bawat umaga ang bumili ng pandesal sa malapit na bakery dahil paborito ito ni Wonwoo, lalo na kapag pinalamanan nung peanut butter na nabibili sa palengke. Si Mingyu ang nagpatikim nito sa kanya noong freshie pa sila, at wala na itong kasawaan simula no’n.
Suot ni Wonwoo ang paboritong Twilight graphic sweater at napakaikli na namang shorts. Hindi tuloy maiwasan ni Mingyu na mapaisip kung nagtitipid din ba ang roommate niya—ramdam na rin siguro ng mga burgis ang inflation—kaya parang kinukulang sa tela ang mga pang-ibaba nito nitong mga nakaraan. Hindi naman nagrereklamo si Mingyu. Paborito niya ang mga hita ni Wonwoo—pero sa kanya na lang yun.
Maya-maya pa dapat matatapos ang shift niya sa fast food, pero dahil mabagal ang pasok ng mga customer ngayong araw, isa siya sa mga pinauwa nang maaga. Medyo nakakahiya tuloy lumapit kay Wonwoo na amoy strawberry shortcake kahit sa malayo, tapos siya amoy pinaghalong pawis at mantika. Nagmamantika na nga rin yata ang mukha niya.
“Oh? You’re home early ah?” medyo gulat na tanong ni Wonwoo sa kanya, nakatungkod ang isang siko sa lamesa. Giniya nito ang kamay sa maliit na paper bag na nagmamantika na rin. “Gusto mo?”
Tumango si Mingyu atsaka sinabit ang bag sa upuan bago umupo sa tapat ni Wonwoo. “Slow, eh.”
“Pagod?” tanong ni Wonwoo. Dumampot ito ng isang pandesal atsaka sinimulang hatiin ang gitna gamit ang dulo ng kutsara. Umiling si Mingyu. “Then what’s with the long face?”
“Wala, eh,” sagot niya atsaka inunat ang mga paa sa ilalim ng lamesa. Napakamot siya sa noo gamit ang hinalalaki. “Hirap na nga humanap ng raket ngayon tapos babawasan pa ‘ko ng oras.”
Tumangu-tango si Wonwoo. Sandali itong natahimik, abala sa paglalagay ng palaman sa tinapay. “Help me with my paper,” maya-mayang sabi nito sabay abot ng pandesal kay Mingyu. “What do you say?”
“Lah,” ang mabilis na reaksyon ni Mingyu. “Ano yun? Magaling ka naman sa ganyan, eh. Magsasayang ka lang ng pera.”
Tinitigan siya saglit ni Wonwoo, para bang sinusuri nito ang mukha niya. “You really don’t like accepting anything without earning it, ‘no?”
“Syempre,” sagot niya. “‘Di naman patas yun, lalo na at kaya ko namang pagtrabahuhan. Atsaka ayaw ko lang din magkautang.”
“‘Di naman kita sinisingil,” mahinang ani ni Wonwoo.
Napangiti si Mingyu. “Edi mas hindi patas yun. Ayos na sa’kin na nandito ka.”
Irap lang ang sagot ni Wonwoo kaya bahagyang natawa si Mingyu. Binalot silang dalawa ng katahimikan pagkatapos, magaan at pamilyar. Bumaba ang tingin ni Wonwoo sa nakabukas na garapon ng peanut butter sa tapat. Mingyu noticed him fiddling with the ends of his sleeves, pulling them until his fists were entirely covered. Nakaugalian niya ito tuwing malalim ang iniisip.
“Okay,” pagbasag ni Wonwoo sa katahimikan. Umangat ang tingin nito sa kanya. “I have an offer for you. But…”
Tumaas ang dalawang kilay ni Mingyu, binaba ang tinapay sa ibabaw ng paper bag para pakinggan ang kaibigan; humugot ng malalim na hininga si Wonwoo.
“You don’t have to take it, okay?” maingat na pagkakasabi nito. Wonwoo chewed on his bottom lip, seemingly nervous, visibly hesitating. Nag-iwas ito ng tingin atsaka lumunok. Napansin ni Mingyu ang pamumula ng dulo ng tenga nito. “But I think I might have something for you.”
Kahit na medyo naguguluhan si Mingyu sa asal ng roommate, tinanong niya pa rin, “Ano yun?”
“Uhm…” Tumikhim si Wonwoo bago ibaling ulit sa kanya ang tingin. “You can help me out with my…” Saglit itong natahimik bago nagpatuloy. “Uh—content?”
Kumunot ang noo ni Mingyu. “Content? Sa YouTube?”
The corners of Wonwoo’s mouth twitched before breaking into quiet laughter, his stance easing from reluctance to amusement. “I mean—kind of?”
Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Mingyu. “Hindi ka sure?”
Nag-iwas ulit ng tingin si Wonwoo, mukhang nagpipigil ng tawa, bago tagpuin ang mga mata ni Mingyu. Humugot ito ng malalim na hininga bago ngumiti nang maliit.
“I do OnlyFans, Mingyu.”
“Ah,” sagot ni Mingyu.
Tumango si Wonwoo. “Yes.”
“Ah,” ulit ni Mingyu. Saglit siyang natahimik, pinoproseso ang narinig. “Ah…” Tumangu-tango si Mingyu, nagkakamot ng magkabilang patilya niya. Binaba niya ang mga kamay sa mesa atsaka tinitigan si Wonwoo. “Ah.”
Teka nga. Teka, teka, teka. Teka. Parang may hindi tama sa ikot ng mundo.
Tangina… ano raw? Gulong-gulo si Mingyu. Tinitigan niya ang mukha ni Wonwoo, naghahanap ng bakas ng kalokohan. May maliit pa ring ngiti sa labi nito. He seemed amused, yet he didin’t look like he was messing with Mingyu either. Nasamid tuloy siya sa sariling laway, dahilan para maubo. Agad niyang tinikom at tinakpan ng kamao ang bibig. Mabilis ang akyat ng init mula sa batok hanggang sa likod ng mga mata niya.
“Oh my God, Mingyu!” natatarantang sambit ni Wonwoo. Rinig niya ang langitngit ng upuan at nagmamadaling mga yapak. Ilang segundo lang ay may kamay nang marahang humahagod sa likod niya at may baso na sa harapan niya. “Oh my God. Please don’t die on me.”
Inabot niya ang baso at atsaka mabilis na nilagok ang laman. Ang sikip ng lalamunan niya at medyo mahapdi ang mga mata niya. Binaba niya ang baso atsaka nilingon si Wonwoo. Nanlalaki ang mga mata nito at mukhang nag-aalala.
Ilang sandali silang natahimik, nakatitig lamang sa mga mata ng isa’t isa—hanggang sa nagsimulang umalingawngaw sa bawat sulok ng kusina ang halakhak ni Wonwoo.
“Niloloko mo ‘ko, eh,” parang batang sambit ni Mingyu, akala mo kalarong nandaraya sa piko ang kausap.
“Hindi ah,” mabilis na sabi ni Wonwoo. Tumigil na ito sa pagtawa ngunit may bakas pa rin ng halakhak ang boses. “Seryoso ako.”
Pinanliitan niya ito ng mga mata, pinagdududahan. “Eh, ‘di ba mayaman ka?”
Bahagyang tumaas ang isang dulo ng bibig ni Wonwoo bago nagkibit-balikat. “I was bored and curious.”
Tangina… Ganito ba mainip ang mga mayayaman? Masyadong kaswal ang pagkakasabi ni Wonwoo. Nakakahilo.
“It’s for my own entertainment—and it’s a good stress relief,” saad ni Wonwoo na parang nababasa lahat ng tanong sa mukha ni Mingyu. “And I never showed my face naman.”
Mingyu nodded stiffly. Tangina. Paano ba niya ipoproseso ang usapang ‘to? Hindi rin nakakatulong na tumatagos sa tela ng suot na uniporme ang init ng palad ni Wonwoo sa balat niya. Amoy na amoy din niya ito. Tumikhim siya, nagdadalawang-isip, ngunit pinilit ang sariling magsalita.
“A-anong gagawin ko kung sakaling tatanggapin ko?”
Ngumiti si Wonwoo. “You’ll be the man behind the camera—while I do my thing.”
Muntikan ulit masamid si Mingyu sa narinig.
Tangina… tangina talaga.
Para siyang tinatarantado ng guardian angel niya. He wished he could go back to the man he was before this—mga panahong utak pa niya sa itaas ang gumagana. Parang hindi na alam ng dugo niya kung saang direksyong pupunta—sa itaas ba dahil sa dami ng impormasyong kailangan iproseso o sa ibaba dahil sa libog na nabuhay sa kalamnan.
Hindi alam ni Mingyu kung gaano siya katagal natahimik bago magsalita ulit si Wonwoo.
“As I’ve said, you don’t have to take it, Min. But if you’re interested, the offer’s on the table.”
⾕♡
Hindi makatulog si Mingyu.
Kanina pa siya paikot-ikot sa kama, palipat-lipat ng pwesto, pabago-bago ng posisyon—ilang tupa na rin ang nabilang niya—pero hindi talaga siya makatulog. He even resorted to following a breathing exercise “to fall asleep fast” that he found on YouTube, pero wala ring epekto.
There was a part of him that couldn’t quite comprehend the idea. Ang hirap isipin ni Wonwoo sa gano’ng paraan. His thoughts about Wonwoo had never strayed outside the PG territory. But now, his head was brimming with images of his roommate that shouldn’t be there. Kailangan niyang ikumpisal ‘to kay Father Bong pag-uwi niya sa probinsya.
Pero kasi—tangina naman. Mingyu just couldn’t not think about it.
Ginagawa ba yun ni Wonwoo kapag wala si Mingyu? Kaya ba memoryado nito ang schedule niya? Ginagawa rin ba yun ni Wonwoo habang nandito siya sa kabilang kwarto? Habang tulog si Mingyu? Habang baon ang ulo ni Mingyu sa napakaraming gawain? Hala, sana yung isang ulo rin. Wala siyang ideya kung paano niya nagawang iraos ang hapunan kasama si Wonwoo habang umiiyak at naninigas ang tite niya.
Putangina, ano ba ‘to? Matigas pa rin ang tite niya hanggang ngayon. Alas otso ang umpisa ng shift niya bukas at hindi siya makatulog sa sakit ng puson niya.
Whatever he did to fall asleep, that was between God and his right hand.
⾕♡
Mabigat ang pakiramdam ni Mingyu nang magising siya—parang may batong nakapatong sa balikat niya na pabigat nang pabigat sa bawat hakbang niya. Wala siyang ibang gustong gawin kung hindi matulog buong araw, pero syempre, dahil hindi naman siya sinwerte sa roleta ng buhay para maging trust fund baby, hindi yun pwede.
Nang makalabas siya sa kwarto, halos matapilok siya nang makita si Wonwoo sa sala. Maaga talagang nagigising ang roommate niya kahit na katapusan ng linggo. Para siyang nahilo bigla nang kusang dumausdos ang mga tingin niya sa kahabaan ng binti ni Wonwoo—lalong lumiit ang katiting na tela dahil pagkakaupo.
Hihimatayin ata si Mingyu. Ang daming balat. Sobrang kinis. Lord Jesus, ano ba namang pagsubok ‘to? Tapos kumakain pa ng mansanas si Wonwoo. Pakiramdam tuloy ni Mingyu ay nasa Garden of Eden siya at tinutukso siya ni Wonwoo na kumagat sa mansanas—mansanas being his job offer.
Dumako ang tingin ni Wonwoo sa kanya. Nagliwanag ang mukha nito at gumuhit ang isang maliit na ngiti sa labi. “Good morning, Min.”
“Good morning,” sagot ni Mingyu, bahagyang paos pa ang boses dahil sa tulog. Tila timang pa niyang tinaas ang kamay atsaka kumaway.
Parang nawalan bigla si Mingyu ng kapasidad mag-isip gamit ang ulo niya—the one attached to his neck—na para bang lahat ng sustansya ng kinain niyang gulay kagabi ay napunta sa tite niya, at overnight, nakabuo ito ng sariling isip na mas malakas sa sariling prinsipyo at moralidad. Napako siya sa kinatatayuan. Hindi niya alam kung ano bang dapat niyang gawin. May gusto siyang sabihin ngunit hindi niya mawari kung ano.
“I already packed your baon,” sabi ni Wonwoo. Hindi nakakatulong na tila walang bahid ng usapan nila kahapon ang boses nito. “May Chuckie na rin do’n.”
“Ah,” lang ang kinayang isagot ni Mingyu. “S-salamat.”
Gusto niyang sapakin ang sarili. Talaga nga naman, Mingyu Kim.
“Mingyu.”
Parang biglang kinuryente si Mingyu sa kinatatayuan. Mababa ang boses ni Wonwoo pero ang ingat ng pagkakabigkas sa pangalan niya. Napalunok siya; may kung anong nakabara sa lalamunan niya na ang hirap itulak pababa. Ramdam din niya ang pamumuo ng pamilyar na init sa ilalim ng balat.
It took everything in him not to stutter when he answered. “Oh?”
Hindi agad sumagot si Wonwoo. Ilang sandali itong nakatitig lang sa kanya bago sabihing, “Don’t think about it too much.”
⾕♡
Hindi na naman niya natapos ang buong shift.
Gusto niyang iuntog ang sarili sa pader. Mingyu tried not to think about it too much, tried to focus on his assigned station, and tried to get his shit together. But it was easier said than done. Kung hindi hilaw, sunog naman ang mga manok niya. Kaya sa huli, pinauwi na lang siya ng shift manager nang makapagpahinga raw. Bagsak tuloy ang mga balikat niya habang nilalakad ang kahabaan ng hallway papunta sa unit nila.
Wala na nga siyang pera, wala pa siya sa sarili. Saan na lang siya pupulutin niyan?
Katahimikan ang sumalubong sa kanya pagpasok ng apartment. Alas-onse pa lang ng umaga. Hindi siya sanay na nandito ng ganitong oras. Habang inaalis ang sapatos, pinasadahan niya ng tingin ang espasyo. Ni hindi na niya maalala kung kailan niya huling nakita ang ganitong liwanag dito. Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga atsaka tahimik na dumiretso sa loob.
Kumunot ang noo niya nang makarinig siya ng mahinang kaluskos. Sa bawat hakbang niya, papalakas ito nang papalakas. Alam niyang si Wonwoo lang ito. Nang nakaabot siya sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Wonwoo, bahagya itong nakabukas, kaya naman alam niyang dito nanggagaling ang ingay. Naalala niyang nagpapatulong nga pala itong buoin ang bagong biling shelf na kadarating lang.
Marahan siyang kumatok. “Won?”
Tangin kaluskos ang sumagot sa kanya. Kumatok siya ulit bago dahan-dahang tinulak ang pinto.
Putangina… Putangina talaga.
Parang hihimatayin si Mingyu. Para siyang pinaglalaruan ng Diyos, ng demonyo, ng biblical creatures. Na-estatwa siya sa kitatayuan, tila ba lahat ng dugo sa ulo niya ay mabilis na napunta sa ibaba. Ramdam niya ang unti-unting pag-iinit ng kalamnan dahil sa nakikita.
Walang ideya si Mingyu kung paano ilalarawan ang nakikita. Ni hindi nga niya dapat bang nakikita ‘to ngayon. Ni hindi nga siya dapat nandito.
There was Wonwoo—eyes wide, lips parted, feet rooted to where he stood. Mingyu tried not to let his eyes—he really did—but it seemed like his pair had developed a mind of their own as well, shamelessly trailing down the leather choker around Wonwoo’s neck, a dainty charm dangling from it to the sheer fabric draped over his torso, its long slit showing off lace underwear wrapped around his hips underneath. It was pink—just like the rest.
Mingyu knew he should turn on his heel and leave, and maybe if he convinced himself hard enough, it might turn out to be a fever dream. Ngunit hindi siya makagalaw, tila napako sa kinatatayuan.
“Shit.”
The sharp curse broke through his reverie, forcing Mingyu to look up.
“Oh my God. Mingyu.” Pulang-pula ang mukha ni Wonwoo. Bakas ang gulat at taranta sa boses nito. “You’re—Why are you here?”
Nanuyo ang lalamunan ni Mingyu, hindi alam kung ano ang dapat sabihin, o kung may dapat ba siyang sabihin. Hindi siya makasagot. Ramdam niya ang biglang pagbigat ng hangin sa paligid. Sa bawat paghugot niya ng hininga, parang mas naninikip ang dibdib niya. Kahit na ilang hakbang pa ang layo nila sa isa’t isa, pakiramdam niya ay sobrang lapit pa rin ni Wonwoo.
Dumako ang tingin niya sa may kama, sa mga gamit na nakakalat—tripod, camera, remote, ring light, laptop, at mga kable. Humigpit ang pagkakahawak niya sa pintuan. May kung anong nakakahilong pwersa sa tiyan niya, tila hindi magkamayaw, ngunit hindi niya mapagtanto kung ano ito. Nang tagpuin niya ang mga mata ni Wonwoo, kusang lumabas ang mga salita sa bibig niya.
“K-kailangan mo ng tulong?”
“What?”
Wonwoo’s expression was caught somewhere between confusion and surprise and something Mingyu couldn’t quite put a name on. His posture was alert as if preparing himself for whatever he might get from Mingyu, but he didn’t get what he had expected.
“Mingyu—”
“Sabi mo…” Rinig ni Mingyu ang mabilis na pagpintig ng pulso sa tenga. Nakakabingi—hindi na niya marinig ang sariling katwiran. “Sabi mo kailangan mo ng tulong ko.”
Kumurap-kurap si Wonwoo. “I-I did. But I—”
“Tinatanggap ko,” pagputol ni Mingyu rito. Binitawan niya ang hawakan ng pintuan atsaka humakbang—maingat at nanunukat. “Yung alok mo—tinatanggap ko. Ayos lang ba?”
Ilang sandaling nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa.
“Are… are you sure?” naniniguradong tanong ni Wonwoo.
“Oo,” buong-loob na sagot niya.
Ngunit pagkalabas na pagkalabas ng salita sa sariling bibig, unti-unting gumuho ang namumuong lakas ng loob at kapal ng mukha, dahan-dahang napapalitan ng pagsisisi sa hindi pinag-isipang pagsugod. Nawawala na siya sa huwisyo. Pero bago pa man niya mabawi ang sagot, nagsalita si Wonwoo.
“Alright. Let’s do this then.”
⾕♡
Walang ideya si Mingyu kung paano siya nagsimulang gumalaw. Basta na lang niya nakita ang sariling sumusunod sa direksyon ni Wonwoo, nanginginig ang kamay at nangangatod ang tuhod.
Tumulong siya sa pag-aayos ng mga ilaw, pagkokonekta ng mga kable, at pagpepwesto ng camera—may isang nakalagay sa may gilid, nakatutok sa mataas na anggulo, habang ang gagamitin niya mamaya ay nakapatong sa mesa. Mingyu kept himself focused on Wonwoo’s instructions, trying his hardest (yes, pun intended) not to let his eyes linger on his roommate longer than necessary.
Baka kung ano pang masira niya rito. Wala siyang pambayad.
Mingyu’s movements were painfully stiff and awkward; if Wonwoo had noticed, he didn't say anything. Ni hindi siya makalakad nang maayos sa tigas ng tite niya. Mabuti na lang at makapal ang tela ng suot niyang pantalon. Tangina. Nakakahiya. Para siyang nagbibinata ulit.
Ilang beses na rin siyang nakapasok sa kwarto ni Wonwoo, pero iba ang bigat ng hangin ngayon dito. Kung anu-anong imahe ang naglalaro sa utak niya. Kung anong itsura ni Wonwoo kapag tinanggal na nito ang saplot. Kung paano dadausdos ang mga daliri sa sariling balat. Kung anong itsura ng bibig nito kapag nagpipigil gumawa ng ingay. Kung paano ito manginig pagkatapos. At kung may mga bakas bang maiiwan sa kama.
“Min.”
Napapitlag si Mingyu sa boses ni Wonwoo. Nilingon niya ito, pilit kinakalma ang paghinga. Bahagyang nakayuko ito, inaaayos ang pagkakatali ng ribbon ng suot na pang-itaas. May pag-aalalang naglalaro sa mga mata nito.
“Are you sure about this?” tanong ulit ni Wonwoo na parang binibigyan siya ng pagkakataong umatras.
The question was loaded. It spoke of uncertainties along with an understanding that the line they were about to cross was something they could never retreat from once they did. May kung anong nananakal na pwersa sa sikmura niya. Kung tutuusin, mas madaling umatras na lang. Kuntento na si Mingyu sa maliit na espasyong nilalaan ni Wonwoo para sa kanya. Napakadaling sabihin na walang magbabago, pero hindi gano’n ang pag-ikot ang mundo—sa bawat desisyon, may kaakibat na pagbabago, kahit gaano man ito kaliit.
But then there was also that unspoken trust, something that he knew would remain untouched.
Kaya ngumiti si Mingyu. “Sigurado.”
⾕♡
“Anong gagawin mo?”
Wonwoo sat in the middle of the huge mattress, his legs folded back and knees pressed against the cushion. He was a little tense and visibly awkward, which made his movements a bit clumsy—a contrast to the usual Wonwoo he knew, who always had an air of confidence around him.
Kita ni Mingyu ang pamumula nito mula leeg hanggang sa dulo ng tenga. “Just…” Kumunot nang konti ang noo nito atsaka bahagyang umubo. “I’ll play with myself.”
“O-okay,” nauutal na sagot ni Mingyu. Humigpit ang pagkahawak niya sa camera. “Magsabi ka lang kapag ready ka na.”
Ramdam ni Mingyu ang halu-halong emosyong umiikot sa sikmura—antisipasyon, nerbyos, at kung anong hindi niya maintindihan. It felt thrilling and made his pulse quicken, loud and incessant, dulling his ability to rationalize.
Humugot ng malalim na hininga si Wonwoo bago dahan-dahang tumango. “I’m ready, Min.”
Nakadikit ang mga tuhod ni Mingyu sa gilid ng kama. Kahit ilang pulgada ang layo nila sa isa’t isa, pakiramdam niya ay sobrang lapit pa rin nila. It felt so not in a way that was physical. It felt intimate—too intimate. Mingyu was seeing Wonwoo a little too closely—even if it was behind the lens.
Mingyu made sure to frame it the way Wonwoo had instructed him. His face was mostly out of the frame—only the curve of his mouth, the line of his throat beneath the choker, the sharp dip of his collarbones from where the sheer fabric hung loosely, pooling around his soft thighs, slipping a little as he shifted, teasing the lace underneath. The background was just the plain wall, and the light was angled just right to cast warmth without stealing clarity.
And then he swallowed, hard, pushing down the lump in his throat with force as he adjusted the focus with trembling fingers. His thumb hovered for a moment. And then—recording.
“Okay,” simula ni Mingyu, garalgal ang paghinga. “Uh… Okay na yata.”
Isang mahinang tawa ang bumasag sa tensyon sa pagitan nilang dalawa. Umangat ang tingin ni Mingyu. Tangina naman oh. Ang ganda. Ang ganda-ganda. Hindi talaga patas ang laban. Simula’t sapul, dinadaya na siya.
“You’re not sure?” biro ni Wonwoo, mas magaan na ang boses. Bahagyang nakakunot ang noo nito pero may ngiting nakaguhit sa labi.
“Sigurado!” mabilis na sambit ni Mingyu. Halos tumalon siya sa gulat sa lakas ng sariling boses. “I-ibig kong sabihin—” Lumunok siya. “Sigurado ako.”
Lumiwanag ang ngiti ni Wonwoo. “Okay.”
Binalik ni Mingyu ang atensyon sa camera—tila uhaw na uhaw, nanunuyo ang lalamunan, at nagbibitak ang labi. Tutok ang mga mata niya sa screen, pilit nilalabanan ang panlalambot ng tuhod at panginginig ng kamay. Hindi pa sila nag-uumpisa ay hinang-hina na agad si Mingyu. Bawat pagkurap niya ay parang suntok sa sikmura. Nakakahilo.
Hindi alam ni Mingyu kung tama bang nandito siya at nakikita ang lahat ng ito—pero hindi rin naman niya magawang umatras, mag-iwas ng tingin.
Napapitlag ang buong katawan niya nang abutin ni Wonwoo ang laylayan ng manipis na pang-itaas. Marahan niya itong hinawi paitaas hanggang sa sumilip ang balat sa tiyan. Mabagal nitong pinaglaruan ang tela, parang nang-aasar, nananadya.
Binasa ni Mingyu ang ibabang labi atsaka napalunok. Unti-unting bumibigat ang paghinga niya. Halos mamilipit ang kalamnan niya nang itaas ni Wonwoo lalo ang saplot—kitang-kita ni Mingyu ang makinis nitong tiyan, ang malalim na hiwa ng pusod, at ang itaas ng suot nitong pang-ibaba. Hindi na alam ni Mingyu kung saan itutuon ang atensyon, para bang takot na may makaligtaan kahit na maliit na detalye.
Nilandas ni Wonwoo ang mga daliri sa gilid ng bewang. Tila ramdam ni Mingyu sa sariling balat ang bawat dampi—kung paanog bawat parteng daanan ng daliri ni Wonwoo ay nag-iiwan ng kuryente sa sariling katawan. Sa bawat segundong lumilipas ay tila mas nagiging imposibleng huminga.
Wonwoo lazily trailed his fingers along the laced band as if he were testing something, teasing even. Tangina. Ito na yata yun—malalagutan na siya ng hininga. Mamamatay na siya.
Bahagyang umusog si Wonwoo, inayos ang posisyon ng mga binti para mas maibuka ito lalo. Lalo pang humigpit ang pagkakahawak ni Mingyu sa camera—halos mamuti na ang kamao sa pwersa ng pagkakakuyom—nang tuluyang dumulas ang kamay ni Wonwoo pababa. Dahan-dahan niyang hinimas ang sarili sa ibabaw ng manipis na tela. The material looked flimsy. Hindi mapigilang maglaro ng isipan ni Mingyu sa mapanganib na teritoryo—kung gaano kadali itong mapupunit kung hihilahin niya.
Naghiwalay ang mga labi ni Wonwoo at isang mahina at garalgal na hininga ang kumawala. Para siyang sinusubukan ng demonyo. Mingyu swore he could feel the breath on his skin. He could feel something in him fraying—his patience, his reasoning, his principles... Hindi na niya alam.
Nagsimulang gumalaw ang balakang ni Wonwoo. Mabagal lang—marahan at swabe ang paggiling sa sariling kamay. Mabilis gumuhit ang init sa likuran ni Mingyu. Nakakahilo. Nakakabaliw. Nakakawala sa ulirat. Ni hindi na niya magawang mahiya nang maramdaman ang pagkislot ng namumuong init sa loob ng pantalon.
Isa na namang garalgal na hininga ang kumawala sa bibig ni Wonwoo nang mas mapangahas nitong haplusin ang sariling init. Ibinuka pa nito lalo ang tuhod. At halos bumigay ang sariling tuhod ni Mingyu sa nakita. There was a faint wet spot blooming against the lace, the dampness spreading as Wonwoo continued to grind against his own hand. Pakiramdam ni Mingyu ay tinutulak siya sa dulo ng katinuan niya.
Tila unti-unti nang nakakalimutan ni Mingyu kung paano huminga—parang naiipit ang hangin sa dibdib. Giniya ni Wonwoo ang isang kamay papunta sa labi at sandali nilandas ang dalawang daliri sa kurba ng bibig. Mapagparusa ang kabagalan ng galaw nito. At nang tuluyan na nitong itulak ang mga daliri papasok sa bibig, para siyang tinanggalan ng karapatang huminga.
Nakakabalisa. Pakiramdam niya ay alipin siya ng sariling libog. Lagot talaga siya nito sa nanay niya. Nakakahiyang isipin na Minmin ang tawag nito sa kanya tapos ganito siya. Hindi siya pinalaking manyakis. Paano na lang niya haharapin si Father Bong nito?
Bahagyang kumipot ang pisngi ni Wonwoo nang umpisahan nitong sipsipin ang mga daliri. Paminsan-minsan ay nilalabas nito ang dila para basain ang dulo, paikot-ikot. Tangina talaga. Parang aliping walang isip si Mingyu, nakasunod lang ang mga mata sa bawat galaw hanggang sa bawiin nito ang mga daliri.
“Shit.”
Hindi niya napigilang mapamura nang dalhin ni Wonwoo ang mga basang daliri pababa sa utong nitong nakabakat sa manipis na tela. Munting ngumisi si Wonwoo.
“You okay?”
Nagsitaasan ang mga balahibo ni Mingyu sa may batok sa boses ni Wonwoo—malalim, malambing, mapanuyo, mapanukso.
Isang basag na ingay lang nakayang isagot ni Mingyu, dahilan para bahagyang matawa si Wonwoo. Ngunit agad din itong napalitan ng isang impit na halinghing nang umpisahan nitong laruin ang sariling utong. Idiniin pa lalo ni Wonwoo ang daliri, paikot-ikot ang galaw sa ibabaw ng tela kasabay ng tila wala sa sariling paggiling ng balakang.
Sobrang sakit na ng puson ni Mingyu. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong katinding libog sa buong buhay niya. Ni hindi nga niya alam na posible palang makaramdam ng ganito—ng ganitong klaseng nakakabaliw na pagnanasa na kumikirot sa kalamnan.
Inabandona ni Wonwoo ang utong at nilandas ang kamay pababa. At ni wala man lang abiso, bigla itong tumayo sa sariling tuhod. Napalunok si Mingyu. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Nang umpisahang hubarin ni Wonwoo ang pang-ibaba, alam niyang wala na siyang takas.
Parang lalagnatin si Mingyu sa init na nararamdaman. His arousal was achingly throbbing, almost relentless, and he could feel the stickiness building in the confines of his pants. The more he watched, the more feral the heat became. Ngunit hindi niya magawang mag-iwas ng tingin.
Slick clung between the fabric and the skin, stretching thin as Wonwoo peeled his panties away, then carelessly tossed it away. Bago pa man makawala si Mingyu sa pagkabalisa at maalalang nandito siya para magtrabaho, Wonwoo had already settled back down onto the mattress, legs falling wide open. Basang-basa ang makinis na balat sa pagitan ng mga hita nito.
Napasinghap si Mingyu. Nakakaliyo ang imahe sa harapan niya.
Inabot ni Wonwoo ang sarili sa pagitan dalawang hita—namamasa’t namumula. Dahan-dahan nitong ginalaw ang dalawang daliri, hinahagod ang sariling init. Kumapit si Wonwoo sa isang binti habang ang isang kamay ay kinakalat ang pagkabasa, paikot-ikot ang galaw. Humangos na lang si Mingyu nang sadyain nitong sanggain ang sariling tinggil. Paulit-ulit itong ginawa ni Wonwoo hanggang sa bumagsak ang ulo nito sa pinagpatong-patong na unan sa likuran, dahilan ng sunud-sunod na pag-ungol.
Hindi na maikalma ni Mingyu ang panginginig ng mga kamay. Wonwoo dragged his fingers slowly through the mess gathered between his folds, parting them carefully, baring himself open to the camera—to Mingyu. And before he could even inhale a breath, Wonwoo pushed his fingers in.
Parang namuti bigla ang paningin ni Mingyu. Ngunit pinilit niyang hindi magpatinag kahit pakiramdam niya ay malapit na siyang sumabog sa init na kumukulo sa dulo ng sikmura. Trabaho ‘to, paalala niya sa sarili. Ngunit nang umalingawngaw sa hangin ang tunog na nagmumula sa pagitan ng hita ni Wonwoo, muntikan nang bumigay ang tuhod niya.
Kagat-kagat ang ibabang labi, inumpisahan ni Wonwoo na igalaw ang mga daliri sa loob. Pinanood ni Mingyu ang lahat: kung paano manginig ang mga binti ni Wonwoo tuwing nilalaliman nito ang pagpasok at kung paano kumibot paitaas ang balakang na para bang hinahabol ang sariling mga daliri. At bago pa man mapigilan ni Mingyu ang sarili, umangat ang tingin niya.
Napalunok siya nang makita niyang nakatitig si Wonwoo sa kanya.
Tila may nagising ito na kung ano sa loob ni Wonwoo dahil mas bumilis ang galaw nito. Marahas nitong nilabas-pasok ang mga daliri, mas nilalaliman ang pagbaon, kinukurba paakyat para abutin ang pinakasensitibong parte ng sarili. Na para bang isa itong palabas para kay Mingyu.
“Please…” ungol ni Wonwoo.
Hindi naman santo si Mingyu. Paminsan-minsan ay dumudulas din ang mga ganitong klaseng bagay sa ulo niya patungkol kay Wonwoo, ngunit madalas, hindi niya pinagtutuunan ng pansin ang mga ito dahil mas matimbang ang respetong meron siya rito. Ngunit ngayon, tila wala siyang ibang gustong gawin kung hindi bastusin ito.
Punong-puno ng halinghing ang kwarto habang mas nagiging desperado ang paggalaw ni Wonwoo. Naramdaman ni Mingyu ang pag-igting ng kalamnan nang ipasok ni Wonwoo ang mga daliri hanggang sa umabot ito sa dulo. Halos magsumiksik na si Wonwoo sa sinasandalang mga unan, halos hindi na maisara ang bibig sa sunud-sunod na daing, napapaliyad sa sariling pananabik.
“Min…”
Kung hindi nakadikit ang mga tuhod sa dulo ng kama ay baka tuluyan na ngang bumigay ang katawan ni Mingyu. Para siyang sinuntok sa baga. Tanginang ‘yan. Sa sobrang libog hindi na niya mawari kung tama ba ang narinig niya. Pero kahit na nakatingin nang diretso sa mga mata niya si Wonwoo, kitang-kita na wala na ito sa sarili para mapansin kung anumang lumabas sa sariling bibig.
But the desperation with the way he called for Mingyu echoed in his ears, his arousal almost violently throbbing against the inside of his jeans. He could feel himself leaking, throbbing with an ache so brutal he thought he might black out.
Ni hindi alam ni Mingyu kung magagamit ba ni Wonwoo itong kuha niya, o kung kaya itong gawan ng paraan. Siguro palalayasin na siya nito pagkatapos. Ngunit habang pinapanood niya si Wonwoo na itulak ang sarili sa kasukdulan, ang tanging alam ni Mingyu ay wala na siyang kawala sa kung ano man ito.
⾕♡
Katahimikan ang bumalot sa kwarto. Bagsak ang katawan ni Wonwoo sa kama, nakapatong ang isang kamay sa noo, mabigat ang paghinga, at nanginginig ang binti. Ilang sandali ring tulala si Mingyu, nakatitig lang sa imahe sa harapan, blangko ang utak. Parang sinuntok si Mingyu sa sikmura nang dahan-dahang hugutin ni Wonwoo ang mga daliri.
Tangina… ang bastos. Ang bastos-bastos. Mingyu was acting a lot like a teenager who had just watched the filthiest porn of his life. And maybe he just did. Pampalubag-loob na lang sigurong hindi siya tuluyang naglaway.
Pinwersa ni Mingyu ang sariling gumalaw. Maingat niyang binaba ang camera sa maliit na mesa sa tabi. Dumako ang tingin niya sa kumot na nakasabit sa upuan. Walang pagdadalawang-isip, inabot niya ito atsaka niladlad bago pinatong sa hubad na katawan ni Wonwoo.
Bahagyang napaigtad si Wonwoo. Pinaghalong gulat at pagtataka ang naglalaro sa mukha nito na agad ding napalitan ng ngiti. “Thank you, Min.”
Tumango si Mingyu. “Uh—” Umubo siya ng konti. “Ayos ka lang?”
Saglit na natahimik si Wonwoo, nakatitig lang sa mukha ni Mingyu, bago nagpakawala ng malakas na tawa. Uminit ng husto ang mukha ni Mingyu nang mapagtanto ang sariling tanong. Nag-iwas siya ng tingin atsaka yumuko, hindi alam kung ano bang dapat i-akto, kaya wala sa sarili niyang inabot ang dulo ng kumot atsaka hinila paitaas hanggang sa may baba ni Wonwoo.
Tila nakuryente si Mingyu nang may malamig na palad na bumalot sa palapulsuhan niya. Umangat ang tingin niya sa mukha ni Wonwoo. Nakangiti pa rin ito. Basa ang mga labi. Namumula ang pisngi. Mabigat at mabagal ang paggalaw ng mga talukap.
Parang anghel. Ang ganda.
“So what do you think about the job?” tanong ni Wonwoo, basag pa ang boses.
“Masarap,” wala sa sariling sagot niya. Sandali siyang natahimik, unti-unting kumunot ang noo, nagtataka. “Ha?” May kung anong lumagutok sa utak niya. “Gago.”
Tanginang bunganga ‘yan.
“Hindi—ano—hindi ganun.”
Gustong umiyak ni Mingyu. Nakakahiya. Nakakahiya siya.
“It’s okay,” malambing na sambit ni Wonwoo, marahang hinahagod ang pulso ni Mingyu gamit ang hinlalaki. “I would’ve been sad if you thought otherwise.” Naging mas maamo ang ngiti nito. “So? Will you take it?”
Gustong isipin ni Mingyu na may natitira pa rin siyang moralidad sa katawan. Pero siguro, in his past life, nang sabihin ng Diyos na, magkaroon ng lahat ng uri ng hayop sa lupa, si Mingyu ang unang hayop na sumulpot. Kaya tumango siya.
Putangina naman. Bahala na nga.
